Janine Berdin bumanat nang tawaging retokada: 'Ang mainggit, patay'

"Before" (kaliwa) at "after" (kanan) pictures ni "Tawag ng Tanghalan Season 2" grand winner Janine Berdin
Mula sa Instagram account ni Janine Berdin; ML Salon and Spa

MANILA, Philippines — Fierce kung fierce ang bwelta ni "Tawag ng Tanghalan Season 2" grand winner Janine Berdin, Martes, matapos pagtsismisan ng ilang bashers ang malaking pagbabago sa kanyang itsura — bagay na tinatawag na "pagpaparetoke" ng ilan.

Kahapon kasi nang mag-viral at magulantang ang marami sa kanyang new look, na nagustuhan nang marami ngunit pinagtaasan ng kilay ng ilan.

Basahin: From anime to Beyoncé: Janine Berdin's transformation gets mixed reactions

"May kasabihan nga po sa Bisaya na ‘Ang masuya madeads’ char hahaha. Yun po. Thank you!" sambit niya sa interview ng PEP.ph kanina.

Kung isasalin sa Tagalog ang pariralang Bisaya, nangangahulugan ito ng: "Ang mainggit, patay."

Sa hiwalay na panayam ng Kapamilyang si Darla Sauler, sinabi ng purple-haired star na biglaan ang pagganda niya ngayon sa dahilang hindi siya natatakot sa pagbabago.

"I'm very flattered kasi ang gaganda ng compliments. Thank you guys I really appreciate it," wika niya.

"Naging blooming po ako kasi hindi po ako natakot sa change... If there's something you don't like about yourself and you're not happy about it, then you can do something."

Aniya, nagre-reflect sa itsura ng isang tao kung sadyang hindi ka masaya sa iyong sarili. Paliwanag niya, napa-"self conscious" niya noon.

Ang importante naman daw ay wala siyang natatapakang tao habang nagiging masaya. Hindi naman din niya pinapabayaan ng singer ang kanyang pag-aaral at pagkanta sa kalagitnaan ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Sa ngayon ay kumukuha ng BA Communication Arts ang 18-anyos na mang-aawit.

Itinanggi naman ng singer na may nagpapatibok ng kanyang puso kung kaya't blooming. Panay "crush" lang daw kasi siya ngayon at taga-"sana all" sa iba.

"Let's not condemn change. Kung may gustong mag-change, ipa-change mo sila. Bahala sila, basta masaya sila," dagdag niya.

Pagtitiyak pa niya, hindi siya nangalawang sa paggawa ng musika habang nasa lockdown. Marami raw kasi siyang nagawang awitin habang nagse-self isolate dulot ng COVID-19: "Ang dami ko pong nasulat during this quarantine... Na-submit ko na po 'yung mga songs ko. Sobrang happy ko po about it." 

Pinasalamatan naman niya ang lahat ng patuloy na sumusuporta at tumatanggap sa kanya at hindi na makapaghintay umawit uli para sa mga fans, na kilala rin sa tawag na "Buttercups." — James Relativo

Show comments