Caridad Sanchez kaya pang mag-Muay Thai, meron lang daw mild cognitive handicap
“Yes, mama is still strong,” sagot ng isa pang anak ng iconic actress na si Caridad Sanchez na si AJ Babao. Kumalat ang balitang may dementia ang actress base sa statement ng kanyang eldest daughter na si Ms. Cathy Babao sa article na lumabas sa ABS-CBN.com.
Na-mention naman ni Ms. Cathy na physically strong ang kanyang ina pero ayon sa statement ng brother niyang kasama at pinagkatiwalaan diumano in everything ng veteran actress, meron lang itong ‘mild cognitive handicap that goes with aging’ at hindi dementia.
And as much as possible daw, ayaw na raw sana nila itong pag-usapan.
“I Alexander Joseph S. Babao, son of Caridad Sanchez Babao, was shocked by the article published by my sister which was done without permission, violating the privacy, legacy and honor of my Mother. My Mom has a mild cognitive handicap that goes with aging. But it is unfair for her to be disrespected like this.
“Under my care, she remains very physically fit, a source of wisdom, strength and blessing to me whenever we have our late night mother and son conversations.
“I thank the public who still continue to show their support, love and respect for my mother.
“However I question the opportunistic timing of its publication by my sister,” ang unang statement ni AJ sa kanyang social media account.
May mga pinakita pang video ng kanyang inang batikang aktres si AJ habang nagti-training ng Muay Thai sa kanilang bahay.
Meron siyang personal trainer / coach (Janito Lañojan Bayot Pro Fighter & Pro Trainer) sa naturang video na pinadala ni AJ.
Ang galing nga dahil sa edad niyang 87 ay nakakasipa at nakakasuntok pa si tita Caridad.
As in. Hindi mo aakalaing kaya niya pang mag-training ng Muay Thai na nang i-check ko sa IG account ng trainor niya ay impressed din ito sa mahusay na actress.
According to AJ (Alexander Joseph), the video was taken last month lang.
Ayon pa kay AJ na naka-chat ko kahapon, hindi na tumatanggap ng trabaho ang mommy niya at officially retired now. “She’s retired and just going out enjoying her time, malling.”
Nauna ngang sinabi ni Ms. Cathy na ‘anticipatory grief’ ang kanyang current emotion dahil sa kalagayan ng ina “it’s a long goodbye. Overtime, you slowly lose the person. You just prepare for it.
Na sinagot nga ng brother niya. Pahabol pa ni AJ :
“My mom enjoys her privacy and just being herself as an ordinary citizen. Let her retire with honor and dignity. To be given all the respect for her devotion to the movie and TV industry for such a long time,” ang mensahe pa ni AJ para sa mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz na nag-aalala sa kalagayan ng kanilang ina.
Obviously, hindi magkasama ang magkapatid at may rason kung bakit magkaiba ang pahayag nila tungkol sa kanilang ina.
Brightlight ni Albee, handa na
Bukas na formally magkakaroon ng press launching ang Brightlight Productions ni former Congressman / businessman Albee Benitez, ang major blocktimer ng TV5.
Makakasama niya sa launching si Ms. Korina Sanchez with Edgar Mortiz, Ritz Azul, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Wacky Kiray ng Sunday Kada…
Hindi pa kasama ang cast ng Lunch Out Loud (LOL) na noontime show sa TV5 at kasama sa anim na shows ng Brightlight Productions.
Pinanindigan nga ni Mr. Benitez ang pagiging ‘Game Changer’ niya na dating title ng kanyang programa sa ANC sa pagpasok niya sa TV5.
Kasama rin sa mga bagong dagdag sa kanyang kompanya si Mr. Johnny Manahan bilang director and consultant habang nakuha rin niya sina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas, Wacky Kiray, Bayani Agbayani at KC Montero.
Bukod pa sa Sunday musical na ipo-produce niya with with Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador, Donnie Pangilinan, Jake Ejercito, may drama series din sina Ian Veneracion, Dimples Romano, Sue Ramirez at iba pang Kapamilya stars.
Literal na bongga si Mr. Benitez.
Anyway, dating napabalitang kakandidatong senador si Papa Albee, pero mabilis niya ‘yung itinanggi.
Na-mention niya minsan na mas nag-e-enjoy siya sa showbiz.