Karen nawala sa eksena Henry Omaga-Diaz, pinalit kay Ted!
Mapapanood na umpisa ngayong gabi, (Oktubre 5), sa TV Patrol, ang beteranong mamamahayag na si Henry Omaga-Diaz upang maghatid ng malalaking mga balita kasama nina Noli “Kabayan” De Castro at Bernadette Sembrano-Aguinaldo. Siya na nga ang permanenteng kapalit ni Ted Failon na ngayong araw din mag-uumpisang mapakinggan at mapanood sa Radyo5 at TV5.
Nagpapasalamat si Henry, na mahigit 40 taon na sa industriya, sa oportunidad na makabalik sa pangunahing newscast ng ABS-CBN, kung saan nagsilbi rin siyang anchor noong 2001 hanggang 2003, at mula 2004 hanggang 2006 naman sa TV Patrol Weekend. “Ang TV Patrol ay isa sa pinakamahabang newscast, biruin mo 30 years na ito sa ere, at pinakamalawak din sa buong bansa. Kahit na sabihin natin na limited ang platform ngayon, napakarami kahit sa social media ang nag-aabang at naniniwala pa rin sa TV Patrol,” aniya.
Ayon naman kay ABS-CBN News head Ging Reyes, si Henry ay isang huwarang mamamahayag na marami nang nagawang makabuluhang ulat at may integridad na hindi matatawaran.
Halos 30 taon na si Henry sa Kapamilya network kung saan nagsimula siya bilang reporter sa radyo bago pumasok sa telebisyon. Dito nagbalita siya tungkol sa mga sakuna, sagupaan, at mga mahahalagang pangyayari sa ibang bansa tulad ng kaso ng domestic helper na si Sarah Balabagan sa Middle East, at ang paglilikas sa mga OFW mula sa Libya sa kasagsagan ng kaguluhan doon noong 2011.
Naging bahagi rin siya ng mga programang XXX, Krusada, at Bandila at nakilala sa kanyang mga istoryang nagsisiwalat sa mga anomalya sa gobyerno at pang-aabuso sa lipunan.
Kabilang dito ang 2014 investigative report niya sa mga drug syndicate sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa at ang planong pagpapaalis sa mga residente ng Child Haus, isang tuluyan para sa mga batang may kanser, noong 2016.
Sa kanyang pagbabalik sa TV Patrol, kinasasabikan ni Henry ang makasama ang kanyang mentor sa broadcasting na si Kabayan at dating co-anchor sa TV Patrol Weekend na si Bernadette.
Napapanood ang TV Patrol mula Lunes hanggang Biyernes ng 6:30 p.m. sa Kapamilya Channel, ANC, at TeleRadyo sa cable at satellite TV, at via livestreaming sa iba-ibang plataporma ng ABS-CBN News online at sa iWantTFC habang wala pa sila sa free TV though almost confirm na mapapanood ang ibang shows nila sa Channel 11.
Ang akala ng lahat ay si Karen Davila ang papalit kay Ted pero last week ay nagpaalam din siya.
Kung sabagay ‘di na siguro kailangan ng maraming workload ni Ms. Karen dahil mataas ang position ng husband niya sa isang shipping company kaya nga raw tuwing magta-travel silang mag-asawa ay naka-private plane pa.
- Latest