Jodi, kailangan na ring lumigaya

Jodi Sta. Maria

Ngayong happy at tahimik na ang married life ni Jolo Revilla, gusto ko rin na maging maligaya si Jodi Sta. Maria.

Now na open na ang lovelife nila ni Raymart Santiago, sana naman ito na ang happy phase ng love ni Jodi.

Mabait at palagay ko ay isang perfect partner si Jodi sa sinumang mamahalin niya, at mukha namang isang seryosong partner si Raymart.

Maganda nga na sa second chance to happiness ay maging partner sina Jodi at Raymart, dahil alam na nilang pareho kung paano magdala ng isang relasyon, dahil na rin sa mga pinagdaanan nila sa buhay.

Bagay din sila physically, maganda silang tingnan together. Hoping ang lahat ng kaibigan nila na sana sila na nga ang magkatuluyan, dahil bagay na bagay sila.

We wish both of you happiness, Jodi and Raymart.

Kapamilya talents sa TV5, ipinakilala na

Inilabas na nga ni Papa Albee Benitez ang ‘stars’ niya. Parang surreal pa sa iba na makita na sa Brightlight Productions ang mga Kapamilya stars at si Pat-P na taga-production na rin ni Papa Albee kasama sila Direk Johnny Manahan.

Of course, iba na ang scenery ngayon dahil na nga sa nangyaring pagkawala ng franchise ng ABS CBN, kaya naman para tuloy pa rin ang ligaya ng viewers, kailangan din ng changes.

Heto ang bagong production na puwedeng magpatuloy ng mga programa na nawala, suwerte naman at nandiyan ang bagong production ni Papa Albee at suwerte rin na nasali sa staff niya si Pat-P na siyempre pa, naging malaking factor para sa mga negotiation na naganap between the Kapa­milya team and the new Brightlight Productions.

Hayan na ang first batch, Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja Salvador at Uno Emilio. Next time iyon namang mga kasali sa drama, gag show ng Brightlight  plus ‘yung program ni Korina Sanchez ang ipakikilala sa isang presscon.

Mukhang overtime sa trabaho lagi ang team Papa Albee at Pat-P, kaya naman sure tayo na maibibigay nila ang mga show na sana ay magpabongga nang husto sa TV5.

STAR forever…

Nagkalkal ako ng mga gamit ko, Salve, at nakita ko ‘yung cards ni Papa Miguel Belmonte, ang ating big boss sa Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa ngayon.

Isa palang bagay na nakalimutan kong gawin nang makita ko siya sa wake ni Manay Ichu Maceda ay mag-thank you nang personal. Kasi nga very sad ako nang nandun ako sa wake, kaya lutang ang utak ko.

Matagal ko pa namang gustong gawin talaga na magpasalamat personally kay Papa Miguel sa lahat ng suporta niya, at sa mga token na hindi niya nalilimutang ipadala every now and then with such sweet words sa card na kasama. Nakakainis nga na kasama pa naman niya si Ms. Millette, ang asawa niya, ng hapon na iyon sa wake na sana ay pagkakataon ko nang sabihin how grateful and thankful ako kay big boss Miguel, sa matagal na taong naging isa siyang perfect boss sa ating lahat na nagsusulat sa PSN at PM.

Saan ka nakakita ng big boss na very approachable, very helpful at so supportive sa mga emple­yado niya? Saan ka nakakita na kahit small problems ng mga empleyado niya ay parang problema na rin niya? Only big boss Miguel Belmonte.

Namana niya ang pagiging protective ng nanay niyang si Betty Go Belmonte sa lahat ng tao na kasama niya sa trabaho.

Thank you, Papa Miguel, forever grateful and thankful. STAR forever, from Papa Andrew Go hanggang sa iyo, loyalista Belmonte, promise.

 

Show comments