Julia, makakasama na si Dennis sa Viva!

Julia
STAR/ File

Kinumpirma ng taga-Viva na katsikahan namin na lilipat na sa kanilang management ang Kapamilya actress na si Julia Barretto.

Although lumabas na ito dito sa PSN last Saturday, bale kahapon nga ito ini-reveal ng Viva.

Isa nga sa narinig naming usap-usapang marami pang mga malalaking artista ng ABS-CBN ang lilipat ng management group pagkatapos umalis ni Mr. Johnny Manahan na ngayon ay consultant na ng mga programa ng Brightlight Productions para sa TV5.

Lumabas na rin na si direk Laurenti Dyogi at pinalitan si Mariole Alberto na ang hahawak ng Star Magic, pero tila may mga mag-aalisan na at isa nga rito si Julia na pumirma na raw sa Viva Artists Agency.

Ang Viva na nga raw ang humahawak ng schedule niya at ang pagkakaalam ko, ang handler ni Marco Gumabao ang handler ni Julia.

Wala pang kumpirmasyon kung lilipat na rin ba siya sa TV5, dahil umalis na nga raw si Julia sa teleseryeng gagawin dapat sa Kapamilya channel na may tentative title na Cara y Cruz.

Makakasama niya dapat dito sina Barbie Imperial at Heaven Peralejo, na naantala raw ang taping dahil sa pag-atras nga raw ni Julia sa project na ito.

So, si Julia na nga ang dagdag sa mga Viva talents kasama sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, Xian Lim, Bela Padilla, Marco Gumabao, Matteo Guidicelli, McCoy de Leon, at Kim Molina.

Teka, wala na akong balita kung nasa Viva pa rin ba si Claudine Barretto. Naudlot kasi ang ilang mga proyektong dapat na sisimulan niya. Kaya hindi na kami na-update tungkol sa kanya.

Sama-sama sana silang magpapamilya sa Viva dahil si June Torrejon ng Viva rin ang nagma-manage kay Dennis Padilla, at dati ring taga-Viva si Marjorie Barretto.

Dagdag pa palang nasagap namin, baka aalis na rin daw si Piolo Pascual sa Star Magic at narinig namin ang Cornerstone ni ­Erickson Raymundo ang magha-handle sa kanya.

Partner naman kasi sila sa film production nilang Spring Films.

Kandidata ng Ms. U-PH, kailangan munang magnegatibo

Pagkatapos ng posting ni Miss Universe-Philippines candidate ng Sorsogon na si Isabela Galeria na nagpositibo siya sa COVID-19, nilinaw namin sa naturang kompetisyon kung tanggal na ba siya sa 50 official candidates.

Sabi ni Jonas Gaffud na Creative Director ng kauna-unahang Miss Universe-Philippines 2020, as of today kasali pa rin daw si Isabel.

Text niya sa amin, “Hindi siya tanggal. Kasi October 8 magti-test pa uli. If negative na siya, puwede pa siya uli.”

Hindi pa naman kasi sila magsasama-sama sa ngayon. Bandang two weeks before the grand coronation sa October 25 sila pagsasamahin na kung saan naka-lock in na ang lahat na mga kandidata pati ang production staff.

Doon mahigpit na i-check silang lahat, idadaan sa swab test at kung merong mag-positive, hindi na talaga masasama sa kompetisyon.

Mahirap daw talaga ang prosesong ito, pero dapat daw nilang itawid dahil hindi naman daw puwedeng magpadala na lang sa takot at wala na tayong gagawin ngayong nasa pandemya pa tayo. “I think we have to move forward eh. Hindi naman puwedeng i-stop natin ito. Tuloy ang buhay at kapag sumunod naman nang maayos, ang protocols at lahat ay maayos na nagtatrabaho, I think we can go on, move on,” sabi pa ni Jonas.

Sinabi pa pala sa amin ni Jonas na allowed daw ang mga kandidata na gamitin ang sarili nilang dialect, kung hindi sila komportable sa pagpapaliwanag sa English o Tagalog. Magbibigay naman daw sila ng interpreter kung kinakailangan. “Naniniwala kami sa authenticity… kung okay naman sila mag-English, kung iyon ang way naman mag-explain ng mga bagay, okay lang din naman. Irerespeto namin ‘yon.

“Pero naniniwala naman kasi ako na hindi lahat na mga tao makapag-explain nang maayos sa English, hindi ibig sabihin hindi ka na matalino nu’n. Puwede mo naman i-express ang sarili mong lenggwahe pero matalino ka,” dagdag niyang pahayag.

Show comments