^

PSN Showbiz

Aktor malaki ang natipid sa pagreregalo sa mga dyowa ng gamit sa pagluluto

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung popularidad ang pag-uusapan ay naabot ng isang kilalang male personality ang pinapangarap na kasikatan ng bawat artista. Sumikat siya talaga, kinagiliwan siya ng publiko, milyones ang kinita ng male personality mula sa mga pelikulang ginawa niya.

Pero pana-panahon nga lang ‘yan, dumating ang oras ng pamamahinga niya sa pag-aartista, dahil alanga­ning bata pa siya o binata na.

Kuwento ng aming impormante, “Maraming kuwento tungkol kay ____(pangalan ng sumikat na male personality). Marami siyang nakarelasyon, pero iisa ang kuwento tungkol sa kanya.

“Kung ang ibang manliligaw, e, nagbibigay ng flowers and chocolates sa babae, e, kakaiba ang male personality na ito. Wala siyang ganu’n!

“Ang pangregalo niya sa nililigawan niya, e, mga gamit sa pagluluto, kasi nga, ine-endorse niya ang mga ‘yun! Kungdi toyo, e, nagreregalo siya ng mantika, ng gatas, ng kung anu-anong produkto!

“Hindi siya naglalabas ng datung para ipambili ng mga mamahaling regalo, kahit nga chocolates at flowers, e, hindi uso sa kanya!” tawa nang tawang umpisang kuwento ng aming source.

Nasa lahi kuno ng male personality ang pagiging maingat sa pananalapi. Kahit ang pinsan niyang sikat na aktor ay ganu’n din ang kinasasangkutang kuwento. Kuripot sila.

Patuloy ng aming kakuwentuhan, “Di ba, ganu’n din ang pinsan niya? Pareho lang silang kuring! Masinop sila sa pera, iniingatan nila ang pinagpapaguran nila.

“Kahit ang pinsan niyang mayaman na, e, balitang-balita ring hindi rin nag­reregalo sa mga nakarelasyon niya, nanghihinayang siya. Talagang nasa dugo nila ang pagiging kuring!” dagdag na kuwento ng ­aming source.

Pero nagbunga naman nang positibo ang pagi­ging mahusay sa paghawak sa pera ng male personality, maayos ang kanyang buhay, hindi na siya maghihirap dahil ang milyones na kinita niya nu’ng kasagsagan ng popularidad niya ay hawak na niya ngayon.

Sabi pa ng aming source, “Sigurado na ang future niya at ng pamilya niya. Kahit ilang pandemya pa ang dumaan, hindi siya mahihirapan dahil may nakalaan na siya.

“Napakinabangan niya ang mga pinaghirapan niya, naitabi niya para sa kinabukasan ng pamilya niya, ikaw na ang magregalo ng toyo, mantika at iba pang sahog sa pagluluto sa nililigawan mo!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ted, nag-dry run na sa TV5

Handang-handa na ang magaling na broadcaster na si Ted Failon sa kanyang bagong programang mapapanood sa Radyo Singko (92.3 News FM) ng TV5.

Sa Linggo nang umaga ay magda-dry run na si Ted kasama ang kanyang partner na si DJ Chacha, pinaghandaang mabuti ni Ted Failon ang kanyang pagsalang, siguradong susundan siya ng kanyang mga tagasuporta nu’n sa DZMM.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin ay magkahalong pagkokomentaryo at musika ang magiging takbo ng kanyang programa. Balanseng-balanse ang atake ni Kuyang Ted, matatalim na opinyon at komentaryo ang kanyang pakakawalan, pero may sahog na musika ‘yun na matagal na niyang pangarap.

“Perfectionist pala si Sir Ted,”  komento ng isang staff ng Radyo Singko. Totoo, napaka-hands-on niya, kaya naman pulido ang mga nakaraan niyang programa.

Sa October 5 na, alas sais nang umaga, magsisimula ang kanilang programa ni DJ Chacha sa Radyo Singko at One PH Cignal Channel 1.

Rustom, tuloy ang pang-eeklay

Tawa kami nang tawa sa text ng isang kaibigan namin, ang kanyang komento, “Echosera talaga ‘yang si Rustom Padilla! Magiging exclusive na raw ang vlog niya, pero kiyeme lang naman pala ‘yun!

“Ayun, mapapanood mo pa rin naman siya nang walang bayad, nagluluto ang hitad, pero kapansin-pansin na bumag­sak na ang viewers niya. Wala pang two hundred!

“Kung ‘yun ba naman, e, ang buhay na lang niya sa Amerika ang sinentruhan niya, e, baka pa sinuportahan siya ng mga Pinoy!

“Kaso, kung anu-anong kuwento ng ilusyon ang ikinuda niya, inaway pa niya ang mga members ng LGBTQ, ano ang nangyari sa kanya? Puro bashing! Walang naniwala sa mga hinabi-habi niyang kuwento tungkol kay Jonathan kineso!” humahalakhak na kuwento ng aming kaibigan.

Hindi nagtagumpay si Rustom Padilla sa kanyang hangarin, anumang bagay na sinimulan sa hindi magandang intensiyon ay wala ring mangyayari, pansamantala lang na sisilipin pero pagkatapos ay bibitiwan din.

COOKING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with