^

PSN Showbiz

Mga sinehan, magbubukas na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Mga sinehan, magbubukas na
Vilma

Natutuwa si Congresswoman Vilma Santos sa assurance ng MMDA na matutuloy sa December ang Metro Manila Film Festival. Kasabay noon, naglabas na rin naman ng guidelines ang mga sinehan, at sinabi rin kung ano ang mga susunding safety protocols para manati­ling safe ang mga sinehan sa muling pagbubukas ng mga iyon kahit na mayroon pang pandemic. Bumaba na rin naman kasi ang infection rate sa NCR at baka nga bago duma­ting ang Pasko ay mas mababa na ang qua­rantine classification.

Sa ibang mga lugar naman, maaari na ring magbukas ang mga sinehan, lalo na iyong nasa MGCQ na, iyon nga lang wala namang bagong pelikula dahil hindi naman maaaring mauna ang probinsiya kaysa sa NCR.

Natutuwa si Ate Vi dahil iyan ay palatandaan na unti-unti na nga sigurong makakabangon ang industriya ng pelikulang Pilipino. Dahil sa pandemic kasi sa taong ito, talagang iilan lang ang nagawang pelikula. Puro replay din naman ang palabas sa telebisyon, kaya marami ang nawalan ng trabaho sa industriya.

Noong nakaraang taon, sa MMFF, kasama si Ate Vi ng iba pang mga artista, ay itinaas na ng MMFF execom sa kanilang Hall of Fame sa best actress category si Cong. Vi. Minsan ay nakasali na rin siya sa execom ng MMFF, hindi nga lang niya naituloy dahil talagang busy siya.

Isipin ninyo, dahil masyado siyang busy, ang huli nga palang pelikula ni Ate Vi na nakasali sa MMFF ay iyon pang Mano Po 3, noong 2004. Matagal na niyang sinasabing gusto niya ulit na makagawa ng pelikula para sa festival, at marami namang offer na naghihintay sa kanya, iyon nga lang wala naman siyang time talaga. Pero natutuwa siya dahil at least matutuloy din ang festival sa taong ito.

Johnny Manahan, magiging active uli sa pagdidirek

Iniwan na pala nang tuluyan nina Johnny Manahan at Mariole Alberto ang talent arm ng ABS-CBN, ang Star Magic, kaya naman inilagay na bagong mamumuno nito si Laurenti Dyogi.

Nakakalungkot din dahil sa totoo lang, silang dalawa ang nagsimula niyan, “talent center” pa lang ang tawag diyan. Sila na ang guma­bay sa career ng maraming mga artistang sumikat.

Pero kailangan nga sigurong magpatuloy ang buhay. Apektado rin sila ng pagkakasara ng ABS-CBN. Pero may mga artista na mukhang sasama kay Mr. M, dahil siya ay kasama na rin ngayon sa isang independent production team na gagawa naman ng mga show para sa TV5.

Babalikan lang naman ni Mr. M ang trabaho kung saan siya mas nakilala, bilang director.

Eat Bulaga, mas tumibay

Palagay namin, parang mahirap pang matibag ang Eat Bulaga sa kanilang noontime slot. Iyong kanilang mahigpit na kalaban ay wala sa free TV at napapanood lamang sa cable at internet. Iyon namang isang bagong makakalaban nila, hindi pa alam ang kapalaran.

Mas tumindi ang advantage nila dahil sila ay on the air sa free tv sa isang magandang channel, bukod nga sa nasa cable din naman sila at sa internet.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with