Mga batang negosyante, tuloy ang pagkuha ng mga endorser na artista
Kahit pa nga uncertain ang panahon ngayon, malalakas pa rin ang loob ng mga batang negosyante.
Nag-renew ng contract si Aileen Go ng MegaSoft kay Myrtle Sarroza, pina-sign up ni Rhea Tan ng Beautederm si Piolo Pascual bilang bagong ambassador, si Gladys Reyes kinuha ng Skin Bureau, sila Benjie, Andrei at Kobe Paras para sa Mang Tomas.
Mukha naman tuluy-tuloy parin iyon mga plano nila para sa negosyo kahit na nga medyo alanganin ngayon ang lahat dahil sa pandemic.
Magandang sign dahil nga ipinapakita na dapat lang tuloy ang plano para hindi mukhang tinalo ng pandemic ang lahat.
Maganda rin dahil normal ang attitude nila towards business, na sabi nga, iyon demands naman tuluy-tuloy din kaya dapat lang tuloy din ang production.
Happy moves para happy thoughts di ba!
Kris, gusto lang manahimik
Mukha naman ok si Kris Aquino dahil ipinakuha niya sa yaya niya ang mga regalo sa kanya ni Ronite ng @dpersonalshopper na Gucci mules at Hermes shirt.
Pang good vibes lang daw sabi ni Ronite para sana sa taping ng bagong show ni Kris kung saan gusto ni Ronite magpa-selfie kay Kris na sobra niyang idol.
Natuwa nga ako na ipinakuha ni Kris, meaning nasa good mood siya at hindi depress or something.
Basta gusto lang siguro niya na tahimik muna sa ngayon para na nga huwag nang lumaki ang mga issue pa dahil hindi natuloy ang kanyang show.
Sa tamang panahon at oras, sure ako na matutuloy din paggawa niya ng show.
Si Kris na eversince survivor, tiyak na manggugulat na lang iyan bigla, hah hah.
Bongga, sana kasya ang Gucci at Hermes para matuwa si Ronite na suot ni Kris ang regalo niya.
- Latest