^

PSN Showbiz

Lagot! Julia Barretto kinasuhan si Jay Sonza sa tsismis na buntis sa baby ni Gerald

Philstar.com
Lagot! Julia Barretto kinasuhan si Jay Sonza sa tsismis na buntis sa baby ni Gerald
Litrato ng aktres na si Julia Barretto
Mula sa Instagram account ni Julia Barretto

MANILA, Philippines — Dumulog na sa mga otoridad ang aktres na si Julia Barretto para pormal nang ireklamo ang pagkakalat ng "fake news" ng dating broadcaster na si Jay Sonza.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nagtungo na sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division si Julia para mag-file ng complaint ngayong Biyernes.

"Personally, ang dami ko na rin kasing pinagdaanan, marami na rin akong pinaglagpas lalo na sa social media. Binastos niya 'yung reputation ko, 'yung pangalan ko," wika ng aktres sa isang panayam.

"You know, I think I just wanna show people now na hindi ko na pinalalagpas ang mga bagay na ito."

Ani Julia, gusto niyang maturan ng leksyon ang mga gaya ni Sonza.

Hindi pa naman tiyak sa ngayon kung anong espisipikong kaso ang inihain ng young actress laban kay Sonza, na kilalang die-hard supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ika-20 ng Setyembre nang matatandaang inispluk ni Sonza ang diumano'y pagbubuntis ni Julia sa anak nila ng aktor na si Gerald Anderson — bagay na ngek, fake news pala.

"Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City," ani Sonza sa isang paskil na burado na sa ngayon.

"Napatunayan nina Visoy (visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapuwa hindi sila baog."

Basahin: Jay Sonza alleges Julia Barretto is pregnant with Gerald Anderson's baby

May kaugnayan: Jay Sonza deletes post after Julia Barretto, Gerald Anderson say ‘fake news’ over pregnancy claims

Mabilis naman ang naging tugon ng kampo ni Julia para pasinungalingan ang mga haka-hakang ipinalutang ni Sonza sa pamamagitan ng pagpopost ng litrato sa kanyang Instagram account — walang baby bump at nakalakip ang mga katagang "fake news!"

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

FAKE NEWS :)

A post shared by Julia (@juliabarretto) on

 

Ganyan din ang ginawa ni Gerald sa kanyang sariling paskil habang nagpapakawala ng mga maaanghang na salita kay Sonza. Saktong nagamit pa niya ito sa pagpro-promote ng palabas na "A Solider's Heart."

"Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng 'FAKE NEWS'.. Akala ko magiging 'FAKE NEWS' din ang 'a soldiers heart'," aniya.

"This video is our test shots and our taping was delayed for months after this.. But we still had hope..never lose hope."

 

 

Nagsalita na rin hinggil sa isyu ang komedyanteng si Dennis Padilla, na siyang ama ni Julia.

"[K]ung totoo iyan, magte-text din naman sa akin 'yan na 'Papa I’m pregnant.' Wala eh. Tapos nakita ko nga 'yung litrato ni Julia sa Instagram niya. Fake news talaga," ani Dennis.

"Ang gusto kong sabihin kay Kuya Jay, 'Kuya Jay, bago ka sana nag-comment ng gan'un, sana tinawagan mo naman ako o kaya tinanong mo kay Marjorie o kaya mag-text ka sa kung sino man ang malapit kay Julia para malaman kung totoo or hindi.'"

FAKE NEWS

JAY SONZA

JULIA BARRETTO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with