Liza Soberano naghain ng criminal case vs netizen na nagbanta ng 'rape'
MANILA, Philippines — Nauwi na sa hablahan sa korte ang laban ng Kapamilya aktres na si Liza Soberano, Huwebes, matapos pormal na maghain ng reklamong kriminal laban sa netizen na nagbanta ng panggagahasa.
Kaugnay pa rin 'yan ng "biro" sa Facebook isang empleyado ng Converge — isang kilalang internet provider — na ipapahalay niya si Liza, bagay na na-screenshot at ipinaskil ng fans.
Basahin: Liza Soberano vows to take action vs Converge employee over rape threat
Ayon kay Jun Lim, abogado ni Soberano, malinaw na paglabag sa Section 4(c)(4) ng Republic Act 10175 o "Cybercrime Prevention Act of 2012" ang masamang biro ng netizen, bagay na maiuugnay din daw sa Article 355 ng Revised Penal Code.
"I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media," sambit ni Liza sa ulat ng ABS-CBN.
"I want people to learn that there are consequences to everthing, like rape jokes, because that is not a light matter."
Dagdag pa ng tanyag na artista, dapat ay manatili pa rin ang respeto kahit na may kalayaan ang lahat sa kani-kanilang opinyon online.
Ilan sa mga sumama sa kanya ay ang manager na si Ogie Diaz at Lim, habang pormal namang sumumpa si Soberano kay Deputy City Prosecutor Irene Ressureccion kaninang umaga.
Nangyayari ang lahat ng ito ilang linggo matapos ireklamo ng aktres ang Converge dahil sa kanilang "makupad" na internet connection.
"Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer," sabi ni Soberano sa isang tweet noong ika-6 ng Setyembre.
"[They can't] even answer the phone whenever we call. How unprofessional."
Bilang tugon sa kanyang viral complaints, kumilos naman ang PLDT para bigyan nang mas mabilis na connection,
Banta ng empleyado, paumanhin ng kumpanya
Nag-ugat ang lahat ng ito mula sa sumusunod na pahayag ng empleyado.
"Wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. Sarap ipa-rape sa mga... ewan!" wika ng inirereklamong netizen.
Humingi naman na ng dispensa sa aktres ang employer ng suspek, habang nangangako ng parusa laban sa empleyado.
(1/2) We are deeply concerned about the wrongful comments and behavior of some employees over social media. We do not tolerate such actions toward any customer and emphasize that their personal opinions do not reflect the company’s perspective, values, and culture.
— Converge ICT (@Converge_CSU) September 20, 2020
(2/2) We are currently dealing with this matter and we will carry out disciplinary measures accordingly.
— Converge ICT (@Converge_CSU) September 20, 2020
Ayon pa sa complainant, ginawa ang kwestyonableng pahayag sa isang thread ng comments.
Hindi naman daw ito sariling paskil ng nasabing tao ngunit sinabi bilang komento sa post ng iba. — James Relativo
- Latest