Yassi nakaka-relate sa mental health problem

Yassi

Ngayong linggo ay muling magtatapos ang lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Batangas.

Para sa katambal ni Coco Martin sa serye na si Yassi Pressman ay talagang kakaibang karanasan ang ginagawa nilang trabaho ngayon dahil sa pandemya. “We were put inside the bubble right after the pandemic. Ang hirap kasi kasama mo ‘yung pamilya mo for ECQ and suddenly mahihiwalay ka sa kanila. But we wanted to do it pa rin and continue. Lampas four years na Ang Probinsyano, so we’re still going to continue to be in the service of the Filipino like our mother network says that we should be,” paglalahad ni Yassi.

Mayroong payo ang aktres para sa lahat dahil sa kinakaharap na krisis ng bansa ngayon. Para kay Yassi ay mahalaga talaga na nakakasama mo ang mga mahal sa panahon ng krisis. “Just know that there’s always hope. In times like these where everything is so unsure, just pray. If you need to meditate, meditate. Keep yourself busy. That’s one thing kasi mental health is such a real thing and I’ve also had some cycles as well. But surround yourself with great people and huwag lang tayo mawalan ng pag-asa,” pagbabahagi ng dalaga.

Vlog ni Jason, napapansin hanggang ibang bansa

Mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng covid-19 pandemic ay naisipan ni Jason Dy na gumawa ng video blogs. Gusto umano ng singer na mas makilala pa siya ng mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang vlogs. “Dati ko pa plano pero hindi ko pa masyadong alam how YouTube really works. Ngayon bilang we have all the time in the world dahil nasa bahay lang naman tayo, I wanted to try out YouTube kasi marami din nagre-request sa akin mag-vlog daw. They want to see a different side of me. Usually kasi nakikita nila ako sa mga kantahan lang. I wanted to show them a different side of my personality naman,” kwento ni Jason.

Ang singer mismo ang nagsu-shoot at nag-e-edit ng videos para sa sariling YouTube channel. Masayang-masaya si Jason dahil bukod sa kanyang mga tagahanga ay nakatatanggap din ng magagandang feedback ang binata mula sa ilang international vloggers. “Minsan naka-catch ko sila, napapanood ko ‘yung mga reaction videos nila. Nakakatuwa kasi kahit ‘yung mga songs na Tagalog, kahit hindi nila naiintindihan, naa-appreciate nila. Sobrang nakakatuwa na kahit nandito tayo sa Pilipinas, ang abot ng mga ginagawa natin ay talagang international. I had reactors from Africa, Australia, sobrang fulfilling talaga,” pagbabahagi niya.

Sa mga susunod na linggo ay plano nang ipasilip ni Jason ang kanyang bahay para sa lahat ng sumusuporta sa kanyang channel. “Kaso nga ‘yung mga pinapagawa namin sa bahay hindi pa tapos. Alangan pa kami magpapunta ng mga tao sa bahay para tapusin because of safety reasons. So baka delay muna ‘yan,” pagtatapos ng singer. (Reports from JCC)

Show comments