^

PSN Showbiz

Lock-in taping kanya-kanyang galaw

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Totoo pala na inaabot ng halos apat na maleta ang dinadala sa taping/shooting ng mga artista na naka-lock-in. Noong unang sabihin ito sa akin ni Lorna Tolentino sabi ko sobra naman, parang buong bahay na ang dala. Pero sabi nga ni Dingdong Dantes kulang na lang pati buong kusina ng bahay nila dalhin niya.

At talagang pupurihin mo mga artista sa lock-in taping ha, wala silang alalay, sila talaga ang nag-aayos at nagdadala ng gamit nila, hands on sila. Ewan ko ba naman kung kelan nag-umpisa iyan pagdadala ng tambak na alalay.

Noong araw naman talagang nag-iisa lang ang mga artista na dumarating sa set at madalas ang driver lang ang kasama nila hindi tulad ngayong na may make up artist, stylist at alalay pa.

Dagdag gastos pa sa production. Sana nga dahil ngayong nag-umpisa na wala nang kasama sa set, maging tuluy-tuloy na ang ganitong sistema.

Mas magiging maayos at madali pa ang trabaho dahil konti lang ang tao sa taping o set ng pelikula. Saka para ‘yung mga maaarte na artista huwag ng magdala ng mga alalay.

Catriona hindi tinolerate ang bashers / fake news

Hindi nga siguro kinaya ni Catriona Gray ang mga naglabasang photos pati na ang mga revelation ng ex-BF niyang si Clint Bondad kaya dinaan na sa legal ang lahat.

Siguro nga ‘yung mga sensitive ang emotion, talagang hindi kaya ang grabeng attention minsan ng social media.

Lalo pa nga pag merong fake news kaya nga pati si Bong Revilla nagpatulong na sa NBI.

Ang iba kasi sobra na ang freedom of expression na kung minsan gutter language na ang ginagamit.  Para bang dahil sa social media they have all the right na kung minsan nagmumura pa.

Kaloka rin ang social media culture pag OA na ang ­followers. Hay naku, hayan, marami na namang trabaho ang lawyers, kasi nga over din ‘yung iba.

Kaya dapat ingat-ingat.

TAPING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with