ABS-CBN ginawaran ng Stevie award, pay cut sa mga artistang may offer sa ibang channel mahigit 50% ang bawas
Bongga, kinilala sa ibayong dagat ang mabilis at may malasakit na pag-akyson ng ABS-CBN upang matulungan ang mga Pilipino sa panahon ng pandemya sa kabila ng mga hinaharap nitong hamon kaugnay sa prangkisa.
Nagwagi sila ng ng Silver Stevie® award para sa Most Valuable Corporate Response sa 17th International Business Awards® (IBA), na magdaraos ng isang virtual ceremony sa Disyembre.
Pinuri ang nakasaradong network sa kasalukuyan ng mga judge sa International Business Awards dahil sa iba-iba nitong atake para makatulong sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19.
Sabi ng isa, kahanga-hanga diumano ang dedikasyon ng kumpanya sa komunidad. Dagdag pa ng isang judge, nakamamangha na nakatutulong pa ang network sa nangangailangan habang patuloy din itong nagbibigay ng trabaho at naghahatid ng balita sa publiko kahit matindi rin ang pinagdaraanan nilang krisis dahil sa prangkisa bukod pa nga sa pandemic.
Nauna nang sinabi ng ABS-CBN na karamihan sa mga programa sa kasalukuyan ay napapanood digitally, 70 milyon ang nakapanood sa mga programang puno ng inspirasyon sa iba’t ibang media platforms at kung tutuusin tinulungan din nito ang gobyerno na ipaliwanag sa madla ang COVID-19 sa pamamagitan ng Ligtas Pilipinas sa COVID-19 information campaign.
Major project nila sa pandemic ang Pantawid ng Pag-Ibig kung saan ang network ang nagbigay ng unang donasyon na P50 milyon. Sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor, umabot na diumano sa mahigit P448 milyong salapi at produkto ang nalikom ng Pantawid noong Agosto 14, habang lampas sa 880,000 pamilya naman ang nagbenepisyo dito.
Bahagi ng proyekto nila ang isinagawang digital concert tampok ang mahigit 100 celebrities na humamig ng 3.7 milyong views sa iba-ibang digital platforms.
Ang IBA o Stevie Awards ay itinuturing na pinaka-prestihiyosong business awards sa mundo na kumikilala sa tagumpay at kontribusyon ng mga kumpanya sa buong mundo.
Ang malungkot lang talaga, sa kabila nang kanilang ginawa, hindi sila napapanood sa free TV sa kasalukuyan at ang mga empleyado nilang nawalan ng trabaho ay abala ngayon sa online selling.
Habang ang mga pinasikat nilang mga artista ay may mga na-desisyong maghintay hanggang makapag-operate at magkarooon ng franchise and ABS-CBN, may mga ibang kailangang tumanggap ng trabaho dahil sa pagiging bread winner, at ang iba ay in denial pa at hindi pa alam ang gagawin.
Kasi may offer naman din daw pero super pay cut ang talent fee.
As in ang laki diumano ng difference before pandemic.
Yup, ito sample lang. Hindi ito ang exact figure, pero let say 100 k dati ang talent fee ng isang aktres o aktor, ngayon daw P30 k to P40 k na lang a day.
Lock-in taping pa raw ‘yun at kailangan dala mo lahat ng kailangan mo.
But anyway, at least may trabaho pa rin kailangan nga lang mag-ingat kasi may ilan daw artista na nagkaroon ng coronavirus pero hindi na inamin publicly sa takot na ma-discriminate rin.
Tatlong pangalan ng artista ang diumano’y nagkaroon ng coronavirus pero hindi na nagsalita. Kasama rito ang isang sikat na actress.
- Latest