Lara, first time nag-isa sa panganganak!

Lara at baby Moses Marc

Mahirap talaga ang manganak ngayong panahon ng pandemya dahil bukod sa nakakatakot tumigil sa hospital, maraming bawal.

Isa rito ay hindi puwedeng samahan ng mister ang misis niya sa delivery room.

Diyan nahirapan si Marco Alcaraz nang dalhin niya sa Makati Medical Center ang asawang si Lara Quigaman na due na pala niya noong nakaraang Huwebes, September 17.

Kuwento ni Marco sa ninong at manager niyang si Noel Ferrer na first time daw niyang hindi nasamahan si Lara sa panganganak. Caesarian section kasi si Lara sa pangatlong baby nila na ito.  Tamang-tama naman, noong araw na iyon ay birthday din ng pangalawang anak nilang si Tobias Nolan.

Kaya nag-advance celebration na raw sila dahil nakatakda na ngang manganak si Lara. Torture daw kay Marco na nag-aalala siya sa labas ng hospital habang inooperahan na si Lara. Noong Huwebes ng 10:50 a.m. iniluwal ni Lara ang pangatlong anak nila ni Marco na baby boy uli at pinangalanan nilang si Moses Marc na may timbang na 7 lbs. and 9oz.

Ang panganay nilang anak ay si Noah Lamar, Tobias Nolan at si Moses Marc. Pawang Biblical names ang pangalan ng kanilang tatlong anak.

Masaya na ang mag-asawang Marco at Lara sa kanilang tatlong boys, pero kung papalarin na mabuntis uli si Lara, siyempre baby girl ang hihingin na nila.

Congratulations kina Marco at Lara!

Samantala, nakatakda na rin manganak ngayong buwan ang komedyanteng si Chariz Solomon. Nagulat ako na sa pangalawang karelasyon na pala itong ipinagbubuntis ni Chariz dahil matagal na pala silang hiwalay ng kanyang asawa na kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki.

Si Mark Herras at Nicole Donesa naman ay nalaman na nila ang gender ng kanilang magiging baby na ipinaalam nila sa kanilang YT channel.

BB milyones ang investment para maging babae, galit sa pang-iisnab ni Daniel

Sa patuloy ng aming interbyu kay BB Gandanghari sa DZRH nung nakaraang Miyerkules, ibinahagi niya sa amin ang  mahabang proseso bago siya dumaan sa isang sex reassignment surgery.

Sa hormone replacement pa lang ay matagal na raw dahil bukod sa physiological change ay dapat matapos niya itong psychological change na kung saan ang nasa isip niya talaga ay isa na siyang ganap na babae.

“I am also dealing with my mental health not because…again, it is a misconception na ang hormones would make you crazy.

“It is very unfortunate na nanggagaling pa ito sa mismong ibang mga transgender na individuals na maybe merong hindi magandang experience. Kasi hindi nga siya madali,” dagdag niyang pahayag.

Kailangan pa raw niyang i-isolate ang sarili niya at makipag-interact uli sa mga tao na ang iniisip niya ay isa na siya talagang ganap na babae.

“Truth of the matter is, all throughout my transition, I waited 7 years before I entered into my hormone replacement program. Why? Kasi my thinking was, bakit naman ang normal na babae hindi naman bigla-bigla nagkaka-boobs. Dumaan ako sa ganyang transition.

“Ang pagdadalaga in other words. Gusto ko maramdaman yung pagdadalaga,” natatawa na niyang pahayag.

Bukod sa mahabang prosesong pinag­daanan niya ay magastos din at hindi na raw siya nakapagtrabaho nang maayos.  “Sinasabi ng mga taong naghihirap ka na diyan, Sabi ko hoy! Etong katawang ito, ilang milyong dolyares ang in-invest ko rito. Not for anything, hindi talaga ako nagtrabaho. Nag-focus talaga ako sa transition ko.

“Ang focus ko all the time is my personal journey. I gave up everything that’s part of my investment. And so, now I’m working hard.  Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos na I may not have all the money in the world but He kept me healthy. At 53, I’m able to do all the things that I do. I can’t be not grateful and thankful not happy,” mahabang hanash ni BB.

Medyo nagpipigil pa si BB sa mga gusto niyang sabihin nang naungkat na ang relasyon niya sa kanyang pamilya. Sa ngayon ay naputol na ang komunikasyon niya sa kanyang mga kapatid, pero tuloy naman daw ang pag-uusap nila ni Mommy Eva Cariño-Padilla.

“Ang pinanggagalingan ng tampo ko noon…kasi hindi ko nga nakikita si Mama. Ilang taon na nga ba ako dito sa America. So, hindi ko alam ang estado ni Mama. Ulyanin na ba? Hindi ko alam…hindi ko matawagan. Parang laging naka-off and everything. So, hindi ko alam,” dagdag niyang pahayag.

May ilang fans ni Daniel Padilla ang nagpahatid sa amin ng tanong kung kumusta silang magtiyahin.  “So, kung kaya mo akong deadmahin at pumunta kayo rito sa Amerika na hindi naman kayo magpaparamdam eh hindi naman ako para pumila at magsabing nandito ako eh nauna kami. Iyon lang ang akin.”

 

Show comments