BB pinanindigan ang pagpapabayad sa pagbubunyag ng buhay ni Rustom

Rustom
STAR/ File

Pinagbigyan kami ni BB Gandanghari ng interview sa aming radio program sa DZRH noong Miyerkules ng gabi para sagutin ang ilang isyung patuloy pa ring pinag-usapan.

Pero iniiwas na naming isangkot sina Piolo Pascual, lalo na ang mga dating kaibigang pinagsasagot niya.

Nilinaw lang namin kay BB ang BB Uncut  kung saan may bayad na ngayon sa gustong mag-subscribe sa kanyang vlog.

Sabi naman ni BB, nandiyan pa rin ang Bb Gandanghari You Tube channel niya kung saan doon napapanood ang regular niyang BB mornights, Bible study at ang hulahopping. Pero ang kanyang BB Uncut kung saan doon niya ilalahad ang mga nakaraan ni Rustom Padilla at ang iba pang bahagi ng buhay niya bilang si BB Gandanghari ay may subscription fee na $1.99 sa BBnatics, o kaya $9.99 sa BBlicious, o kaya ang monthly na $99.99 sa BBingers.

“Sadly, apektado dito ‘yung mga taong medyo hindi makaka-afford pero I just wanna have peace of mind when I say my story na walang trolls na makakapasok na lahat na nakakapanood ay verified na emails and users and  I take it from there.

“Iyon lang naman yung akin na iniingatan ko talaga ‘yung integredad ng story ko.

“It’s not really easy na ang dami mong naririnig na reaksyon na hindi naman nanood,” pahayag ni BB.

Nagsisimula pa lang daw siya sa mga ilalahad niya na bahagi ng memoirs ni Rustom Padilla.

Nilinaw naman niyang wala raw siyang nabanggit na ikapahamak ng mga taong nadamay sa inilahad niyang kuwento. “It’s a memoir. I will be as honest as possible but at the same time alam ko naman ang boundaries ko. Kung babalikan n’yo naman ang mga pinanood, wala naman akong iibahin dun. It’s just that ayokong isipin na…umabot na kasi ako sa puntong nagkakaroon ako ng, oh is this too much. Ayokong umabot pa sa ganun,” pakli niya.

Kaya kung sino man ang posibleng madamay sa mga susunod niyang ihahayag sa kanyang BB Uncut, heto lang ang gustong
sabihin ni BB :

“Sa akin kung palagay mo mababanggit ka, start watching BB Uncut, and you can see if I say one single word that can offend Carmina (Villar-roel) or Piolo (Pascual).

“I always pray when I say my story. That I will say the right words. Because words can be very powerful. And I know I have a very sensitive story. I don’t wanna offend anyone, but I don’t want also diminish my story.”

Hiningan pa rin namin ng sagot si BB sa maaring sabihin ng iba na pinagkakitaan niya ngayon itong mga kuwentong ibinabahagi niya sa kanyang vlog. Sagot niya : “Life is a bitch. Inggit lang ang pinanggalingan niyan. You Tube is a platform. Natural, you have to be creative. Creator ka. You have to create. You really need to create, and I’m creating a book.

“So, ang daming tumitira eh libre nga dapat yan eh. Kaso, naapektuhan na ako. Eh may mga taong gustong makinig at readi-ing magbayad, eh di dun na ako. Gawin natin to. Hindi naman ito pangmatagalan ano, pero I just need to get my integrity.”

Wala naman daw masama kung bayaran ng mga taong interesadong pakinggan ang kuwento niya. “Sinabi ko noon kay Mitch Dulce na naalala ko na tinanong niya. Naku-confuse daw siya kapag artist ka binabayaran ka. Sabi ko, sadly we live in a very commercial world. And in this world even your art, you have to sell to live. Yun ang katotohanan, not to be hypocritical about anything, but come on we are all in this platform without even referring to the membership. But come on don’t give me this bull ‘s!

“If you use that to bash me, bring it on! Kasi wala akong dapat ikahiya sa ginawa ko. Because I’m earning a decent living and I have a very supportive supporters who support me all the way and encourage me of what I do? Can I not be grateful?” patuloy na pahayag ni BB Gandanghari.

Bukas ay ikukuwento naman ni BB ang pinagdaanan niya ngayon sa kanyang transition bilang isa na siyang ganap na babae.

May partisipasyon ba rito ang pamilya niya? May pahayag diyan si BB at pati ang pagiging Tita niya kay Daniel Padilla ay meron din siyang sinabi.

Show comments