Aktor, mahilig sa cash advance
Tadtad pala ng utang ang isang singer/actor.
As in bago pa raw ito makapag-umpisa ng trabaho, nakapag-cash advance na ito.
Ganun daw ang style ng singer/actor kaya naman malaki-laking halaga rin ang naiwan nitong utang sa dating manager.
Maging sa bagong manager daw nito ay milyones na rin ang utang niya.
May pamilya na ang singer/actor pero marami raw responsibilities ang mag-asawa sa kani-kanilang pamilya kaya kailangan nila ng pera.
Balita pang nagpatayo sila ng bagong bahay kaya mas lumaki ang utang nila. Tapos nagkaroon pa ng pandemic at nawalan sila ng regular income.
Ito ang isa sa napag-usapan sa Take It… Per Minute, Me Ganun! episode 66 nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu kahapon.
Nahulaan ng ibang avid followers ng TIPMMG kung sino ito, pero in all fairness kay Manay Lolit, hindi niya binuko.
Ang naunahang pangalanan kesa i-blind item ay si Eugene Domingo na consistent diumano ang ugali ng pagiging suplada. Matagal na actually itong usap-usapan bago pa nag-pandemic.
Noon daw kahit makasabay mo ito sa airplane, hindi mo basta-basta puwedeng lapitan para magpa-souvenir photo dahil nagpapanggap itong natutulog habang suot ang oversized dark shades para hindi nga siya maistorbo habang nasa biyahe.
Ganyan din ang chika sa kanya sa supermarket habang nasa cashier. Nag-dialogue daw ang cashier ng ‘ay seryoso ka pala ma’am sa totoong buhay.’ Naloka raw ang cashier dahil ang dialogue ng komedyana ‘bakit kailangan bang tumawa habang nagbabayad?’ Or something to that effect.
Noon pa man naikuwento ng isang source na ganyan din ang nangyari sa shooting at taping niya. Kailangan diumanong siya ang nasusunod or else magwo-walkout siya. Yup, superstar daw ang galawan ni Ms. Eugene.
Di ko makalimutang chika noon na gusto nitong mag-coffee sa taping. Pero ayaw daw nito ng ordinary coffee, gusto pa raw nito ay sa Starbucks. Eh ang advice daw ng production, wala silang budget para sa expensive na coffee. Ayun nagwala na diumano si Eugene.
Minsan naman daw ay nilayasan daw ito ng stylist dahil sa sobrang talak. Na-late lang naman diumano ang stylist dahil sa matinding traffic pero wagas daw kung makatalak kaya ayun na-hurt ang stylist kaya nagbabu na lang.
Minsan naman daw ay sa shooting ng isang pelikula kung saan si Ms. Eugene ang bida. Nagso-shooting daw sila, sa isang liblib na lugar na hindi puwedeng pasukan ng kotse. Kaso bumaba raw ito para bumili ng chips ayon sa source. At nang babalik na raw ito sa shooting, ayaw na diumano nitong maglakad at gusto na nitong magdala ng kotse. Wala diumanong nagawa ang staff ng pelikula, ginawan ng paraan at naghanap sila ng paraan para makaakyat ang kotse ni Eugene sa bundok.
Ang tanong, nagbago na raw kaya si Eugene ngayong may pandemic kung saan napapanood pa rin siya sa Dear Uge Presents na may fresh episode na?
Anyway, going back to TIPMMG, for the last time ay nagsalita si Manay Lolit kay Heaven Peralejo. Nag-sorry na siya at siguro naman tatantanan na siya ng mga tambay na bashers sa kanyang Instagram account.
Sinagot din nila ni Nay Cristy ang mga patutsada naman ng dating si Rustom Padilla na ngayon ay nagpapakilalang si BB Gandanghari.
Walang kumampi kay BB o Rustom, at hindi rin naapektuhan ang career ni Piolo.
Sa mga hindi nakapanood ng live episode ng TIPMMG, maki-Team Replay sa official Facebook page ng Pilipino Star NGAYON at YouTube channel.