Nasangkot pala sa isang malaking eskandalo ang isang director/producer na iniimbestigahan pa rin hanggang ngayon. Dahil diyan, muling napag-usapan ang tungkol sa ilan pa niyang ginagawa sa ilang artistang type niyang tikman.
Hindi kasi halata ang kabadingan ni direk/produ, kaya nagugulat ang ilang machong aktor kapag nagpaparamdam ito.
May isa siyang project noon na gusto niyang kuning bida ang isang hunk na hunk na actor na produkto ng isang talent search. Nakaramdam si hunk actor na may ibang gustong gawin sa kanya si direk/produ kaya umatras siya sa project.
May isa pa siyang type na aktor na galing din sa talent/reality search.
Kinausap niya ito at hindi naman siya nahirapan sa pagnanasa niya kay aktor, nagkasundo silang ito na ang bida sa ginagawa niya noong project.
Hindi naman namin nasaksihan kung meron ba silang ginawang kababalaghan sa hotel na tinuluyan nila nang mag-shooting.
Ang isa pang ikinagulat namin, meron pa siyang isang aktor na kinuha na tigasin at maiilang kang subukan siyang tikman.
Iyon pala bumibigay din, dahil wagi si direk/produ. Nakakaduda raw kung ano ang ginawa nilang dalawa sa loob ng van.
Maganda ang role na binigay sa kanya sa project na iyon.
Kung nalusutan ni direk ang ginagawa niya sa ilang natitipuhan niyang actor, ewan ko lang kung malulusutan niya itong malaking eskandalong kinasangkutan niya.
Janno naikot na lahat ng channel
Nasilip ko noong Lunes ang pilot episode ng bagong noontime show ng Net 25, ang Happy Time pero hindi ko natapos.
Sinubukan kong magpalipat-lipat sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga at Happy Time.
At magaling talagang mag-host at nakakatawa sina Anjo Yllana, Janno Gibbs at Kitkat, kaya naitatayo nila ang show na hindi nakakabagot. Special guests nilang nag-opening dance number sina Wowie de Guzman, Joshua Zamora ng Maneuvers at Mia Pangyarihan ng Sexbomb dancers.
Hindi ko na napanood ang ilang games nila, pero hindi kami naaliw sa pa-game ni Kitkat na PM is the Key na nilaro ni Antonio Aquitania. Kasama niya sa game ang mga nag-impersonate kay Jinkee Pacquiao, Robin Padilla at Bruce Lee.
Halata kay Antonio na bored sa game at pinilit lang niyang ma-excite. Understandable naman kung may ilang konting palpak, pero naitatawid naman ng tatlong hosts.
Pursigido talaga ang Net 25 na mag-produce ng maraming shows, kaya mukhang marami pang pasabog ang Happy Time.
Kahit nga sa iba pa nilang programa, kagaya nitong talent search nilang Tagisan ng Galing, tumataginting na pitong milyong piso ang ipamumudmod nilang premyo sa mananalo. Si Ruru Madrid naman ang host dito, kasama ang mga umupong judges na sina Vina Morales, Imelda Papin, Marco Sison at Marcelito Pomoy.
Doon pa rin sa Happy Time, hindi rin nakalimutan ni Anjo ang magpasalamat sa Eat Bulaga na naging pamilya niya sa loob ng 21 years.
Si Janno naman ay ipinagmalaking nasa Net 25 na raw ang lahat na istasyong naikot niya. Sa 2 sa 5 at i-plus mo ang dalawang numero, 7. Naikot na raw niya kasi ang tatlong malaking TV network at ang ending niya ngayon sa Net 25.
Showbiz personalities, handa na sa kanilang demanda sa gitna ng pandemic
Nagtapos na ang ghost month, kaya abangan ang mga bagong programang sisimulan para sa TV5.
May ilan na kaming kumpirmadong kasado na at sisimulan na, pero nakiusap ang ilang mga taong involved na sana hintayin na lang daw ang kanilang announcement.
Pero ang isa pang kaabang-abang ay ang mga kasong isasampa ng dalawang sikat at kontrobersyal na showbiz personalities.
May kinalaman sa mga naglalabasan sa social media ang mga kasong isasampa.
Abangan na lang natin kung sino ang makakatikim ng demanda sa gitna ng pandemic.