Nagsimula na ang taping ng episode nina Lovi Poe, Winwyn Marquez at Tom Rodriguez para sa GMA 7 weekly series na I Can See You.
Bale four days na naka-lock in ang mga artistang kasali sa episode na ‘yon at hanggang Wednesday ang taping nila.
Siyempre, tutok ang Kapuso network management sa health and safety protocols na pinatutupad nilang mabuti sa balik-taping nila ng lahat ng mga kasali sa taping. Lahat ay kailangang sundin ang mga pinag-usapan tungkol doon bago pa man sila nag-taping.
Tama ba ang narinig kong tsika na noong unang planuhin ang episode na ‘yon ng I Can See You ay kino-consider na isa sa mga magbibida ang girlfriend ni Tom na si Carla Abellana, pero hindi pa yata handa ang aktres na mag-lock-in taping.
Well, marami rin naman kasing mga artistang ayaw pa talagang magbalik-trabaho dahil sa tinatawag na “new normal” at ang pinakamatindi nga ay ang lock-in.
Anyway, maayos daw ang taping at masaya ang lahat ng mga artistang kasali roon.
May isa nga palang malapit kay Lovi ang inusisa ko kung right after ba ng I Can See You lock-in taping ay magpapa-COVID-19 swab test na uli ang aktres para naman sa shooting ng pelikula nila ni Joem Bascon under Viva Films? Ang swab testing ang isa sa requirements bago mag-self-quarantine ng 14 days at mag-lock-in sa trabaho ang mga artista. “Made-delay ang shooting nina Lovi at Joem for their Viva movie,” sabi ng kausap ko.
Noong una ay sinabing out of town ang location nila para sa lock-in shooting, pero, “Nagkaproblema sa location. So, naghahanap pa ng bagong location kung saan sila puwedeng mag-lock-in shooting!”
Well, marami pa rin talagang shootings at tapings ang nade-delay dahil sa locations.
May iba’t ibang health and safety protocols din kasing pinatutupad ang iba’t ibang LGU (local government unit), kaya hindi lahat ay pumapayag na magpa-taping o shooting.
Sa pandemic na kinahaharap pa rin ng lahat, talagang maraming LGU na ang hindi basta-basta nag-i-issue ng permits para tumanggap ng hindi taga sa kanila.
Male showbiz personality, naibulsa pati ang perang pambayad sa online transactions
Isa sa mga bagong nangyayari ngayong “new normal” dahil sa pandemic ay ‘yung cashless transactions.
Dahil doon, maraming apps na puwedeng gamitin to pay for your purchases ke online o sa mismong establishments man.
Maraming celebrities ang nabibigyan ng ganitong pay app basta i-post lang nila.
Pero naloka raw ang isang marketing manager ng isang pay app sa isang male showbiz personality dahil imbes na gamitin ang perang laman ng pay app na ibinigay sa kanya para sa kanyang shopping o restaurant transactions, nakagawa si male showbiz personality ng paraan para mai-transfer sa kanyang bank account ang pera sa pay app na ibinigay sa kanya.
Ang nakakaloka, P20,000 lang naman daw ‘yon, pero talagang “ibinulsa” ni male showbiz personality, huh!
Naaliw na lang daw ang marketing manager sa ginawa ni male showbiz personality.
Ganoon na raw ba katindi ang pangangailangan nito dahil sa pandemic?
Eh, balita pa namang magkakaroon ito ng show sa isang TV network, ‘noh?!
Hahaha. Natawa na rin lang ako. ‘Yun na!