^

PSN Showbiz

Anak ni Karen Davila isinugod sa ospital, ligtas na sa 'seizure'

James Relativo - Philstar.com
Anak ni Karen Davila isinugod sa ospital, ligtas na sa 'seizure'
Inoobserbahan ngayon ang anak ni Karen Davila na si David habang sumasailalim sa 24-hour video EEG matapos ang dinanas na "seizure" kahapon, ika-13 ng Setyembre, 2020.
Mula sa Instagram account ni Karen Davila

MANILA, Philippines — Ligtas na sa panganib ang buhay ng anak na lalaki ng ABS-CBN news anchor na si Karen Davila matapos isugod sa ospital kahapon ang kanyang anak na si David pagkaraang biglang mangisay sa Bikol.

Ito ang ibinalita ng primyadong Kapamilya broadcaster sa kanyang Instagram post, Lunes, matapos nilang kitain ng mister na si DJ ang anak sa Sorsogon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Karen Davila (@iamkarendavila) on

 

"Our son David welcomed us at our condo lobby... when out of the blue, he just started having a full blown seizure!" sambit ng mamamahayag kanina.

"Now, seizures can be common for kids with autism but David has never really had them. He has only had one scary episode when he was 7 yrs old."

Ipinagpasalamat naman ni Karen sa Panginoon ang mabilis na pagtugon ng kanyang asawa at mga first responders sa lobby ng condominium — na pare-parehong mabibilis mag-isip at alam ang gagawin, sabi niya.

Wala na raw nagawa ang peryodista kung hindi isigaw ang pangalan ni Hesukristo, sa pag-asang mapagagaling ang pinakamamahal na anak.

"And this is why I am sharing this. I thank our Lord Jesus Christ for saving David yesterday. David slowly woke up and we rushed him to the [emergency room]. I thank God his memory and faculties are perfect," dagdag pa ni Davila.

"I thank Dr. Francis Dimalanta @fxdmd , his pedia with autism expertise. Doc Francis recently survived COVID19 & he shared that all he could do during his darkest times was call on Jesus too."

Ligtas na sa panganib ang bata at sumasailalim sa 24-oras na video Electroencephalography (EEG) para lubos na mamanmanan ang aktibidad ng kanyang utak. Umaasa naman ang kanilang pamilya na hindi na ito mauulit pa.

Ano ang 'seizure'?

Ayon sa UERM Neurology OPD, ang seizure ay "[i]sang episode ng abnormal na pagdaloy ng kuryente sa utak na nakikita bilang pangingisay." 

"Minsan nagkakaroon ito ng pagkagambala na tinatawag na neuron misfires na paminsan-minsang nangyayari at nagdudulot ng maliit lamang na resulta. Kapag nagkasabay-sabay ang mga mumunting pagkakagulo na ito sa cells sa utak ng tao, depende sa kalubhaan at lokasyon, ay maaaring magdulot ng imboluntaryong paggalaw ng parte ng katawan."

Aniya, nagdudulot ito ng mga pagbabago sa ugali, kilos o damdamin ng isang tao. Tuwing nangyayari ito, tumataas ang pangangailangang pangnutrisyon ng utak, gaya ng sugar (glucose) at oxygen.

Iba pa ito sa epilepsy, na isang uri ng seizure na may mataas na posibilidad na maulit. 

"There is POWER in the name of Jesus Christ! It doesn’t matter who you are, what church you go to, whether you think you’re a good or bad person - calling on the name of Jesus changes everything!" patuloy ni Karen.

"To God be the glory... Hug your kids today! Tell your family & friends how special they are! Appreciate LIFE."

ABS-CBN

KAREN DAVILA

SEIZURE

SORSOGON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with