^

PSN Showbiz

KC, sinusubukang i-rescue si Piolo?!

ISYU AT BANAT! - Ed De Delon - Pilipino Star Ngayon
KC, sinusubukang i-rescue si Piolo?!
KC
STAR/ File

May lumabas na tsismis, pero mabilis din ang denial ni KC Concepcion sa sinasabing muli silang nagde-date ni Piolo Pascual. Inamin naman ni KC na magkaibigan sila at wala namang masamang anuman na namamagitan sa kanila, pero hindi sila nagde-date.

Kung hindi nga naman totoo, bakit kailangang magpalabas ng mga ganoong tsismis?

Ang nagpapalabas ba ng mga ganyang tsismis ay puwedeng “cover up”?

‘Yung mga tsismis na ganyan, hindi naman mapag-iisipan ng masama.

Maaaring sabihing ginawa lang iyan ng fans na gusto nga sigurong mag-reconcile pa silang dalawa. Pero masama ang timing dahil sa mga ginawang revelations ni BB Gandanghari tungkol sa naging “love affair” ni Rustom Padilla sa isang actor, at alam din naman natin kung sino ang pinagbibintangan.

In fact, hindi na masasabing bintang iyon eh, kasi nananahimik si Piolo, iyon namang mga kaibigan niya ang nag-react at sa pagtatanggol sa kanya, inaaway si BB dahil bakit daw sinasabihan ng ganoon si Piolo. Eh ‘di kahit na nag-iisip pa ang ibang mga tao parang inaamin na nilang si Piolo nga ang nasa tsismis ni BB.

Tapos bigla ngang nasundan iyon ng diumano ay muling pagde-date nina Piolo at KC.

Ano nga ba ang iisipin mo sa ganoong panibagong tsismis?

Minsan ang mga gumagawa ng tsismis, ano man ang talagang intensiyon nila, hindi na nag-iisip.

May mga tsismis na marinig mo pa lang hindi mo na paniniwalaan, at sasabihin mong may dahilan talaga kung bakit pinapakalat ang mga ganoong usapan kahit na walang basis.

Maling damage control. Mag-aral muna kayo kung papaano ang tamang damage control ha.

Manay Ichu, dinadagsa

Sa kabila ng pandemic at sa mga umiiral na protocols, hindi napigilan ang mga taga-industriya ng pelikula sa pagbibigay pugay sa yumaong film producer at lider ng industriya na si Marichu Perez-Maceda.

Dumadagsa pa rin ang mga kaibigan at kakilala na nagtutungo sa burol ni Manay Ichu sa Sampaguita Chapels.

Tama ang desisyon na doon siya iburol dahil hindi nga maaaring payagan ang maraming tao sa loob ng chapel, pero malaki naman ang kanilang grounds para maipatupad pa rin ang tamang social distancing.

Mahal ng mga tao sa industriya ang pamilyang Vera-Perez. Natatandaan namin noong nakaburol din si Doc Perez, ‘yung buong kalye Valencia, punung-puno ng bulaklak na hindi na maipasok sa loob dahil sa rami.

Ngayon naman, nagsabi silang mag-donate na lang sa Mowelfund at huwag nang magpadala ng bulaklak para kay Manay Ichu.

Hanggang ngayong araw na ito na lamang ang pagbibigay pugay kay Manay Ichu, at tapos ay ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan.

PTV4, malabong mapantayan ang ABS-CBN sa ratings!

Marami ang natawa sa sinabi ni Secretary Martin Andanar na ngayon daw sarado na ang ABS-CBN, maaari nang makipaglaban sa ratings ang PTV 4.

Ang PTV4, dahil iyan ay isang government channel, hindi talaga masyadong pinanonood kahit na noong araw pa.

Sa ratings, laging pinakamababa ang audience share ng PTV4. Kung inaakala na tataas ang ratings noon dahil lang nawala ang ABS-CBN, aba eh napakatayog na pangarap niyan, kung hindi man matatawag na fake news.

Kung minsan kailangan naman tayong maging realistic. Hindi dahil ang news nila ngayon ang presenters ay mga dating galing sa ABS-CBN, pantay na sila.

Naku ha.

KC CONCEPCION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with