May nagtatanong sa akin, Salve, sino raw ang mas love ko, si Mother Lily Monteverde o si Manay Ichu Maceda.
Pantay at pareho ko silang mahal na mahal, magkaiba lang ang closeness ko sa kanila.
Parehong malaki ang utang na loob ko at parang miyembro na sila ng pamilya ko.
Si Manay Ichu physically, hindi ko laging kasama, kasi nga ang mga affair niya medyo may pagka-formal at dressy.
Noong lagi siyang pumupunta sa mga festival abroad, lagi niyang tinatanong kung gusto kong sumama, at sabi niya pati Filipiniana dress na dapat isuot ko sa mga party doon ay siya ang magpapagawa.
Dapat naka-formal outfit ka ‘pag kasama mo noon si Manay Ichu, na siyempre pa yucky sa isang jologs na tulad ko.
Si Mother Lily naman na pinagalitan noon ng asawa niyang si Remy Monteverde, dahil na-influence ko na maging t-shirt at jeans dresser lang, eh dati may scarf at naka-hairdo pa siya pag nasa labas ng bahay. Hindi siya mahilig sa formal outfit at ewan ko ba, parang very spoiled ako na lagi kong nahaharbatan, hindi gaya ni Manay Ichu na parang nahihiya akong manghingi.
Noong very first time ko sa New York, inalagaan ako ni Manay Ichu na pati sa airport ay hinatid pa ako.
Si Mother Lily naman tuwing hindi ko mabuo ang P500 na monthly hulog sa kinuha kong 10 years to pay na bahay sa Fairview, lagi kong sa kanya hinihingi ‘yung kulang, dahil that time ang hirap pang kumita ng P500, laging kulang ako ng P100 o P200. Angel ko si Mother Lily, kaya siguro half ng inihulog ko sa house and lot ay galing sa kanya.
Pareho silang big Ate sa akin, parang mother talaga.
Noon ngang nabalitaan ko na bumigay na si Manay Ichu at nag-flash sa mind ko na meron ding sakit si Mother Lily, naiyak ako.
Hindi ko siguro kakayanin na pareho silang mawala sa buhay ko, more than a sister, parang nanay ko talaga sila. Forever grateful ako sa naging trato nila sa akin, sa love at respeto, sa trust na kahit pa nga ako na yata ang black sheep ng showbiz, ipinakita nila na may tiwala sila sa akin.
They made me whole, buo ang pagkatao dahil ang two respectable icon of the industry ay binigyan ng premium ang pagiging Lolit Solis ko.
I will never be the same again without them. I will not only grieve, I will be broken. God, thank you for giving me Manay Ichu and Mother Lily...
Thank you for the best gift you have given me, two sets of parents who love and embrace me with all my faults and shortcomings.
Thank you, my God.
Marian ayaw munang magtrabaho?!
Kung sakali man at totoo na tumatanggi munang magtrabaho si Marian Rivera, maiintindihan mo ang dahilan.
Pag nagkaroon ka na ng anak, kuntentong buhay may asawa, mas gusto mo na rin na domesticated ka at talagang ang bahay, buhay may asawa at pagiging ina ang prio-rity mo.
Iyon sigurong mga work na sandali lang siya mawawala sa bahay, ‘yung hindi gaanong taxing, puwede pa dahil hindi masyadong kakainin ang oras niya.
Ever since ay makikita mo ang pagiging wife material ni Marian, ‘yung pagiging domesticated niya.
Hindi siya party animal, hindi siya mabarkada, talagang work at bahay lang ang mundo niya, na lalo pang naging malinaw nang magkaroon siya ng Zia at Ziggy, at isang good provider at loving husband kay Dingdong Dantes.
Kaya nga wait muna at on hold ang showbiz, mother at wife muna si Marian Rivera-Dantes.
Good job.