Yaya.. ni Marian sa GMA, hindi na tuloy?!

Wala palang signal sa lugar ng taping nila Dingdong Dantes for Descendants of the Sun. Kahapon ay kinailangan pa raw niyang mag-travel ng kung ilang kilometers.

Naka-lock in taping sila sa Rizal.

“We are at Day 7 of our lock-in shoot here in Rizal to finish Descen­dants of the Sun PH. The initial few days of the shoot was challenging because we were all adjusting to the new protocols. Pero bonus talaga that the team has already established a good and smooth working relationship, kaya naging mas madali ang adjustment. So today is rest day, and i had to ride a few kilometers within the property to get some signal. Time to check on my family, @dingdong.ph and @aktorph.”

At kung si Dingdong ay back to new normal taping, may nakarating naman sa aking chika na diumano’y nag-back out na si Marian Rivera sa teleserye nila ni Gabby Concepcion na My First Yaya.

Yup, ayon sa reliable source, nag-decide diumano si Yanyan na ‘wag na itong ituloy.

Nauna nang may nagbanggit na magre-resume na sila ng taping pero ang latest ngang chika ng reliable source, hindi na raw ito itutuloy.

Wala pang official statement from GMA 7 or si Marian. Wala ring reply ang tinanu­ngan ko tungkol dito para i-verify ang kuwento.

Baka naman may ibang project ang GMA for Ma­rian na mas bongga kesa sa Yaya...?

Kung ganun, may chance na kaya si Gabby na mapanood sa TV5 with his daughter KC?

Or baka naman si Gabby ang nag-back out at hindi si Marian?

Malilinawan natin ‘yan sa mga darating na araw.

 

 

Show comments