Sobra naman yata ‘yung reaction sa plano ni Chair Rachel Arenas na magkakaroon din ng ok o approval ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang Netflix at ibang streaming platforms.
‘Yung regulation na gustong gawin ni Chair Rachel ay sure ako na pinag-aralan din ng ibang board members kaya nai-suggest niya na baka puwedeng gawin ito.
Kung iisipin mo nga, ang pumatay sa showbiz ay ‘yung may access ka freely sa halos lahat ng ipinalalabas ng cable, at iba pang streaming platforms, plus iyon na nga na ang gaganda pa ng palabas sa Netflix kaya humina ang kita ng mga sinehan.
Suggestion pa lang iyon ni Chair Rachel Arenas, pero bongga na ang reaction at bashing na ginagawa ng mga tao sa kanya.
To think na si Chair Rachel ang maituturing mong pinaka-open minded sa mga naupo sa MTRCB, pinaka-open sa pagtanggap ng suggestions, at very liberal sa kanyang pananaw.
Hintayin muna natin ang paliwanag niya, at kung paano gagawin, huwag ‘yung sobra agad ang violent reaction, para bang be all at end all na ng lahat ‘yung hakbang na hindi pa nga nagagawa at ipinaliliwanag.
I trust na maganda ang nasa isip niya nang i-suggest ito, pakinggan muna natin noh! ‘Kaloka, bashing agad!
Alden, grabe kung laitin ng maka-Lisa
OA naman ‘yung fan ni Blackpink Lisa. Akala mo naman isang basta-bastang artista lang si Alden Richards para mag-react sila nang sobra na openly ay hinahangaan ni Alden ang idol nila na si Lisa.
Malaking honor din para sa Korean pop singer na hinahangaan siya ng isang big star ng Pilipinas noh.
Ok sabihin na nating internationally known na ang grupo ni Lisa, pero hindi pa rin naman papatalo ang achievements ni Alden Richards.
Huwag OA na para bang si Alden Richards pa ang makikinabang, malaking star din siya kaya makikinabang din si Lisa.
Rhea ginagawang negosyante ang mga ambassador
Talagang napaka-generous ni Rhea Tan ng Beautederm. Imagine na ‘yung binibigay niyang kabuhayan package sa ambassadors ng Beautederm ay malaking tulong na rin sa kanila.
Binibigyan niya ng products na worth P500K para makapagsimula ng negosyo at kung minsan hinahanapan pa niya ng outlet sa malls.
Nakakapag-start silang mag-online selling at hayun, start na ng pagiging entrepreneurs.
No wonder ang daming users ng Beautederm products kasi nga ang daming resellers at nakikita naman talaga ang nagagawa sa kutis ng mga gumagamit.
Ninang at lady santa talaga ng ambassadors ng Beautederm si Rhea Tan, walang tatalo sa pagiging over generous niya sa lahat.
Bongga.