Batman fans nag-panic, Robert Pattinson nagka-COVID

Robert Pattinson

Nag-panic ang Batman fanatics kahapon matapos kumalat sa social media na COVID positive si Robert Pattinson kaya natigil ang shooting ng The Batman na kama­kailan lang nag-resume.

‘Yun pala, walang official statement from his camp na nagka-COVID nga ang bagong gumaganap na Batman.

Ayon sa story ng vanityfair.com, ang statement lang ng Warner Bros., ay may production member ng Batman ang tested positive ng coronavirus at naka-isolate ito kaya temporarily paused ang shooting nito though sinabi ng vanityfair.com na si Pattinson nga ang na-infect ayon sa kanilang ‘highly reliable source.’

Pero ang nakakaloka rito, ang nag-update pa sa akin tungkol dito, ang 12-year old bagets namin sa bahay na supposedly ay nag-o-online schooling na isang Batman fan. Hihihi.

Yes, mas nauna pa siyang nakaalam.

Well, ito nga siguro in a way ang disadvantage ng mga online schooling - puwedeng mawala sa concentration ang ibang mga bagets.

But anyway, wala ngang choice dahil sa coronavirus pandemic na wala pa naman talagang nakakaalam kung kailan matatapos at kung kailan magkakaroon ng vaccine kaya ok na rin.

 

Show comments