Na-onse si Gladys Guevarra ng dati niyang boyfriend. Ang kuwento, dahil wala ngang raket dahil sa lockdown, nagnegosyo si Gladys ng mga kakanin.
Pay as you order iyon, pero ang bayad dumidiretso pala sa account ng boyfriend ni Gladys.
Eh nagkagalit sila at naghiwalay, natangay ng boyfriend ang mga advance payment sa mga kakanin.
Patay ngayon si Gladys, dahil hindi na raw sinasagot ng boyfriend ang tawag niya.
Alam naman ni Gladys ang kanyang responsibilidad, sinasabi niyang ibabalik niya ang pera ng mga taong nagbayad na.
Papaano pa ngayon makakabangon ang raket niya?
Eh kasi naman eh, bakit sa bank account ng boyfriend ipinapasok ang bayad?
MTRCB, malabong masakop ang internet?!
Hindi natin maikakaila na dahil sa lockdown, apektado maging ang mga ahensiya ng gobyerno na kagaya ng MTRCB. Una nga walang sinehan. Ibig sabihin walang pelikulang mare-review ang MTRCB.
Isinara rin ang ABS-CBN, na maraming mga serye at shows na ngayon wala na, kaya wala na ring ma-review ang MTRCB. Kung madadaanan ninyo ang opisina ng MTRCB sa Timog, na dati laging napakaraming sasakyang nakahinto, at mukhang napakaraming tao, aba apektado talaga ng lockdown.
Hindi siguro kalabisang sabihin na dahil bihira ang review, ang ibang inaasahang pondo ng ahensiya ay nawala na rin. Iyong review allowance ng mga members, wala na rin.
Ang mga tao, dahil lockdown nga eh at ayaw palabasin halos ng bahay, nanonood na lang ng mga palabas sa internet, na hindi dumadaan sa MTRCB. Wala kasi sa batas na ang inilalabas sa internet kailangang may ratings din ng MTRCB. Iyan ngayon ang gusto nilang mangyari, dumaan din iyan sa kanila
May punto, dahil kung minsan may naipapalabas sa internet na mga temang hindi na dapat, pero papaano nga ba nilang bibigyan iyon ng ratings?
Bigyan man nila ng mahigpit na ratings kung may batang magbubukas ng computer sa loob ng bahay niya eh ano ang silbi ng ratings nila?
Eh sa internet pa, na marami kang makikitang free sites na ang palabas porno talaga. May lumabas pang survey, na sa buong mundo raw Pinoy ang talagang nagbababad doon sa Pornhub nang mas mahabang oras. Ano ngayon ang gagawin nila riyan sa porno? Hihigpitan nila ‘yung mga palabas na gawa ng Pinoy, eh iyong porno na gawa sa abroad o underground, lumalabas din naman.
Maraming nainis, marami ring nagtawa sa hinihingi ng MTRCB sa Senado. Kasi papaano nga ba sasakupin ng batas ang internet na siyang medium ngayon ng mga pelikula?
Ang MTRCB ay na-take over ng teknolohiya.
Ang dapat nga ngayon, ipatupad na lang ay self regulation.
Baklang male star na nuknukan ng landi, maraming kailangang idemanda
Kung idedemanda ng male star ang nagtsismis na siya ay bakla, kailangang maghanda siya ng mas marami pang demandang isasampa niya.
Eh ang dami kasing nagkakalat na bakla siya, kabilang pa roon ang isang teenager na tambay noon sa damuhan sa likod ng PICC, na nagpakita pa sa amin ng isang leather jacket na may nakalagay na “especially tailored for.... iyong pangalan ng baklang male star.”
Diumano ibinigay niya iyon sa bagets na hinalay rin niya sa loob ng magara niyang utility vehicle doon mismo sa tabi ng damuhan.
Eh nuknukan kasi ng landi ang baklang iyan eh, puwede bang hindi matsismis na bakla siya?