Lani, tinulungang ipa-cremate si Cloyd Robinson
Kasabayan namin nila Douglas Quijano, Alfie Lorenzo at Billy Balbastro si Cloyd Robinson. Akala ko nga, tulad nila Douglas nauna nang nagpaalam si Cloyd kaya na-shock ako na ngayon pa lang at the age of 71.
Dahil siguro tumira na siya sa Silang, Ca-vite nagmula nang ma-stroke at ‘di na active sa showbiz. Nakakalungkot na sa marami niyang naging trabaho sa showbiz mula writer, director, line producer, manager at artista, namatay siya na kailangan pang ihingi ng tulong para sa cremation ng kanyang bangkay.
Feeling ko naman na dahil sa Cavite siya binawian ng buhay, para naman hulog ng langit na nandun si Lani Mercado at bilang Mayor ng Bacoor ay agad tumulong para ma-cremate si Cloyd Robinson.
Iyan ang ironic part ng buhay, ‘yung pati sa kamatayan mo kailangan mo ng tulong kahit pa nga noong buhay ka ginawa mo ang lahat para kumita ng pera.
Palagay ko naman, sa rami ng kaibigan ni Cloyd marami pa rin tutulong, pero ipinagmamalaki ko na heto at isang Revilla ang agad sumalo ng dapat gawin.
Thank you, Mayor Lani Mercado, na kahit hindi mo inabutan ang busy days ni Cloyd Robinson, narinig mo lang na dati siya sa showbiz ay tumulong ka agad.
Thank you at hindi na kailangan pang ipanghingi ng tulong ang cremation ni Cloyd Robinson. Rest in peace, at kita-kita na kayo sa langit ng mga naging barkada mo sa Laperal.
Personal shopper hindi apektado ang negosyo
Bongga naman si Ronite ng @dpersonalshopperph. Very generous siya na tuwing nakaka-jackpot sa buyer niya. Wow padala agad ng gifts sa atin. Naloka ako sa slippers ha, sure ako hingin agad ng anak kong si Sneezy o ng pamangkin kong si Apple dahil ang ganda, plus ang bonggang beach towel na talagang takip ang buong katawan mo.
Sabi kasi ni Ronite, akala niya apektado ang business niya dahil sa pandemic, pero suwerte naman na talagang lalo pang dumami ang mga suki niya.
At talagang favorite ka niya Salve ha, alam na alam niya ang gusto mo at style, bongga.
Thank you talaga Ronite, talagang ang ganda ng slippers ko at towel, nawala tuloy sadness ko na hindi puwedeng pumunta ng Korea para hanapin si Papa Kim Woo-Bin ko at yayain sa favorite niyang Aristocrat Restaurant sa Roxas Boulevard para kumain ng chicken barbecue at halo-halo na naging favorite niya nang mag-shooting siya dito sa Pilipinas. Hay naku, thank you talaga.
- Latest