Hinihintay na lang daw ng kampo ni former Miss Universe Catriona Gray ang pagtatapos ng ‘ghost month’ bago ituloy ang formal na pagpa-file kaso.
Kung sino ang kakasuhan nila, ayaw magbigay ng info ang tinanungan ko.
Maalalang nagpatulong sa NBI ang camp ni Catriona para ma-trace kung sino ang nagpapakalat ng edited / photoshopped nude photos niya.
Samantala, tuloy ang pagpo-promote ng local products ni Catriona.
At ang gaganda ng mga sinusuot niya.
Lately, ay lahat tungkol mga produktong local ang laman ng Instagram page niya at pagsuporta sa sustainable waste management.
“Can you guys believe that my earrings, and all the items in the photos are created using discarded plastic?! The earrings I’m wearing here were created using coffee machine capsules by
“The second photo, the bracelet im wearing was my own attempt at weaving the plastic! When done with skillful hands, plastic wrappers can be woven to create beautiful furniture - like this chair!
“Imagine if we could shift to more sustainable waste management, whilst utilizing existing plastic waste into practical and beautiful uses all over the Philippines? ,” ang post niya.
BB may inamin kina Ruston at ex na actor
Napanood kaya ni BB Gandanghari ang K drama na Sweet Munchies na bida sina Jung II-woo, Kang Ji-young and Lee Hak-joo?
Nakakaaliw ang kuwento nito tungkol sa isang anak ng mayaman na matagal naitagong isa pala siyang gay at isang nag-pretend na gay dahil sa pangangailangan.
Hindi ko pa tapos panoorin, pero nakaka-enjoy at hindi OA.
Hindi lang basta Boys’ Love series.
Issue kasi ngayon ang vlog ni BB kung saan siya nagkukuwento tungkol sa dating si Rustom Padilla at sa naging relasyon nito sa isang kilalang actor.
Hindi niya pinangalanan ang actor pero sa showbiz ay may idea ang iba pero wala siyempre silang ebidensiya na naging sila nga.
Yup, hindi na bago ang kuwento ni BB dahil pinag-uusapan na ito noon pa.
But anyway, wala namang masama kung ‘yung naging dyowa noon ni Rustom na actor na malabong umamin ay katulad din niya.
Dapat panoorin ni actor ang Sweet Munchies para ma-motivate rin siyang umamin.