^

PSN Showbiz

Jessy, hindi nagsunog ng tulay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jessy, hindi nagsunog ng tulay
Jessy
STAR/ FIle

Malaki ang pasasalamat ni Jessy Mendiola sa pamunuan ng Star Magic dahil sa pagtitiwala sa kanya mula noon pa man. Maraming nagawang mga proyekto ang aktres sa bakuran ng ABS-CBN bago pa lumipat sa pamamahala ng Viva Artists Agency. Napapanood na ngayon si Jessy sa TV5 bilang host ng Fit For Life. “Star Magic started everything for me. Si Mr. M (Johnny Manahan) ‘yung bukod tanging naniwala sa akin no’ng wala akong confidence sa sarili ko. Siyempre until now malaki pa din respeto ko sa kanila kahit wala na ako sa kanila no’ng 2019 pa,” bungad ni Jessy.

Kahit wala na sa pamamahala ng Star Magic ang aktres ay mayroon pa rin namang komunikasyon sa pagitan nila. “Even si Tita Mariole (Alberto) hindi nakakalimutan na kumustahin ako. Recently nag-text siya sa akin asking kung kumusta ako ngayon sa lahat ng nangyayari. I’m very glad that Star Magic decided to open other opportunities for their artists. ‘Yon naman talaga ang magic ng Star Magic. They never burn bridges at kahit wala ka na sa bakod nila, nando’n pa rin ‘yung concern nila sa ‘yo,” pagbabahagi ng dalaga.

Mula nang magsara ang ABS-CBN kamakailan ay pinayagan na ang karamihan sa mga artista ng Kapamilya network na magtrabaho sa ibang istasyon. Para kay Jessy ay maganda ang layunin ng Star Magic para sa kanyang dating mga kasamahang artista. “They need to open doors for their artists right now especially after what happened. Kailangan talaga ng trabaho ngayon and the main goal is to survive. Praying pa din for things to get better,” pagtatapos ng aktres.

Arnel, napahanga kay Richard Poon

Maraming shows ni Arnel Pineda sa ibang bansa ang nakansela dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Ngayon ay abala ang singer sa mga bagong kantang kanyang ilulunsad sa mga susunod na linggo. Hinihikayat din ng bokalista ng bandang Journey ang iba pang mga Pilipinong kompositor at mang-aawit na lumikha ng mga bagong kantang makapagbibigay ng inspirasyon sa kabila ng krisis na kinakaharap ng buong bansa ngayon. “Now is the best time and opportunity to create music content. Let’s seize that opportunity. Gawin nating reality. All of us are hungry for positivity and original creations,” pahayag ni Arnel.

Samantala, isa si Richard Poon sa mga singer na nag-produce din ng sariling kantang Seryoso kasama si Jay-R. Napahanga umano si Arnel dahil sa kakaibang hilig ni Richard sa musika. “Music is the food for the soul. It can heal, it has everything for everybody. Kaya dapat lahat mag-create, maging imaginative because music is forever. Di naman niya kailangang kumanta given his rich family background. Pero ginagawa niya because it is his passion and happiness. It’s his way of filling his heart and soul,” paliwanag ng singer. (Reports from JCC)

JESSY MENDIOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with