^

PSN Showbiz

Aktres nawawala sa sarili pag nakakainom ng alak, nahawa ng ex na lasenggo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi nakakayang bantayan ng tao ang kanyang sarili kapag nasasayaran na ng agua de pataranta ang kanyang lalamunan. Lalo na kapag sobra na ang kanyang naiinom, wala na siyang alam sa mga pinaggagagawa niya, pagsisisi ang kasunod nu’n kapag nahimasmasan na siya.

May kuwento ang aming source tungkol sa isang female personality na paminsan-minsan lang umiinom pero kapag nalasing na ay nakakahiya ang kanyang mga ginagawa.

Sabi ng aming source, “Hindi naman masamang maki-sama siya, kapag nasa isang party siya at umiinom ang mga kasama niya, natural lang na makipag-inuman din siya.

“Pero dapat, e, binabantayan niya ang sarili niya. Nu’ng nasa party siya kasama ang boyfriend niya, e, napasobra ang paglaklak ng girl!

“Hindi naman siya sanay sa pakikipag-inuman, kapag may okasyon lang niya ginagawa ‘yun, kaya bumigay ang sikmura niya. Tumakbo siya sa CR, nagsuka nang nagsuka, pagkatapos nu’n, e, galit na galit siya!

“Nawawala raw ang bag niya, may kumuha raw ng bag niya, naiinis siya! Ang ending, dala-dala pala niya ang bag sa CR, naiwanan niya du’n, nakakaloka siya!” unang kuwento ng aming source.

Maraming nag-oopinyon na ang naging impluwensiya ng female personality sa pag-inom ay ang kanyang boyfriend. Sanay uminom ang male personality may okasyon man o wala.

Patuloy ng aming source, “Parang wala lang ‘yun para sa boyfriend niya, kaswalan na lang ‘yun para sa guy. Hindi na siya tinatablan ng alak, kaya niyang dalhin ang pagkawengweng niya!

“Pero ang girl, hindi sanay ang mga tao na makita siyang umiinom, hindi ganu’n ang image niya, mahigpit daw ang mga magulang niya, di ba?

“Pero nagagawa niya ‘yun kapag magkasama sila ng boyfriend niya, pinapayagan naman kasi siyang uminom, huwag lang siyang maglalasing.

“Ang leksiyon, huwag iinom nang sobra-sobra sa kailangan lang. Huwag magnonomo-nomo nang sobra-sobra sa capaci-ty lang niya.

“Para hindi siya nagkakalat, para hindi manibago ang mga tao sa image niya, ‘yun lang ang dapat niyang isaksak sa utak niya kapag umiinom siya,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Vivian Velez sobra na ang kabastusan, ginagantihan sa pagtawag ng boba kay VP Leni

Ito ang kabuuang nilalaman ng FB post ni Vivian Velez patungkol kay Vice-President Leni Robredo na naging dahilan ng pagpapalangoy sa dating Miss Body Beautiful sa mapaklang apdo sa olympic size na swimming pool.

“The worst political branding... it’s so fake!”

“Obviously, they want to make her look smarter (kasi nga boba) with those glasses on and books on the table, not to mention the color choice of her outfit. Ano ‘to, shooting? Playing ‘the president’ daw s’ya?”

“Miss Tapia ang peg, haha (Iskul Bukol)...Mely Tagasa aka Miss Tapia is a writer in real life, much smarter than the ‘president wanna be’ Lugaw.”

Nakakapangilabot ang tabas ng dila ni Vivian Velez, huwag na sa edad dahil magkaidaran lang naman sila, sa posisyon na lang sa ating pamahalaan na hawak ng taong niyuyurakan niya ay dapat nang mangilabot si Vivian Velez.

Nakakahiya naman sa aktres na ito ang kanyang pamimintas sa ating bise-presidente na bobo ito, hiyang-hiya naman kami kay VV, napakatalino naman ng tingin niya sa kanyang sarili.

Kung pagpapalapad ng papel sa partidong kinakatigan ng aktres ang kanyang hangarin sa panglilibak sa itsura ng bise-presidente ay hindi siya nagtagumpay.

Kahit ang mga nakakakuwentuhan naming DDS ay hindi sang-ayon sa pamimintas niya sa itsura ng pangalawang pangulo. Tawagin bang bobo ang isang tagapamuno ng ating bayan na iniluklok sa pamamagitan ng botohan?

Kung meron man siyang iniaangat ay huwag niyang dinadapurak ang ibang tao, huwag niyang paglaruan ang itsura ng pulitikong ayaw niya, lalo na ang husgahang bobo dahil hindi naman siya puwedeng ikumpara kahit sa hinliliit lang ni Vice-President Leni Robredo kung katalinuhan ang pag-uusapan.

Tuloy ay nahahalukay ngayon sa lumang baul ng alaala ang nakaraan ni Vivian Velez. Sinaktan niya ang bise-presidente, niyurakan at hinusgahan, siya ngayon ang sinusukat ng kasaysayan.

Walang respeto ang dila ng babaeng ito. Ang dilang nagmamalabis na ay kailangang sinusuheto. Pinersonal niya ang itsura ni VP Leni, siya ngayon ang pinepersonal ng ating mga kababayan.

Hinihingi ‘yun ni Vivian Velez. At ibinigay naman nang kusa sa kanya ng mga taong binulabog niya ang kamalayan.

VIVIAN VELEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with