Dalawang kayamanan ng local movies, naisalba
Hindi nagpasindak sa coronavirus ang Philippine Film Archive (PFA) para protektahan ang national film heritage, kasama ang University of the Philippines Film Institute (UPFI) Film Center film collection.
Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), mula April to June 2020, nagawa nilang kumpletuhin ang rewinding, transfer, and inventory ng mga pelikulang Class A and Class B na nakuha nila sa UPFI Film Center.
At kasama sa mga naisalba nilang masasabing historical and cultural gems ang obra ng dalawang National Artists. Ito ay ang Noli Me Tangere (1961), in original print, by National Artist for Cinema Gerardo de Leon and Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984) by National Artist for Film and Broadcast Arts Lino Brocka.
Ang class A elements are in good condition na meron lang minimal damage while Class B elements have medium to heavy damage such as warping, light to medium deterioration, slight blockage, and low to high Vinegar Syndrome.
Class C elements, which are subject for disposal because of having melted images, blockage, or heavy deterioration, are undergoing rewinding, transfer, and inventory at present.
Last August 2019, nang i-turn over ng UPFI Film Center ang mahigit 1,024 film reels to the PFA for archiving, scanning, digitization, and possible restoration. There are even Russian titles in the acquired collection. Through FDCP Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra, the PFA had a fruitful meeting with UPFI Director Patrick Campos which led to the completion of the acquisition of the UPFI film collection.
Good for the movie industry. At least may mga pelikula silang naisasalba na talagang maituturing na kayamanan ng local showbiz.
Hindi kasi lahat ng producer ay merong proper storage na hindi matutunaw ang mga negatibo nito.
Hindi pa noon uso ang digital kaya may ilang classic films na natunaw na lang dahil hindi air conditioned ang pinagtabihan.
Pamamasyal sa mall, ibang-iba na ang pakiramdam
Ibang-iba na talaga ang ambiance sa mall.
Dahil name-miss na ako ng mall (hihihi) naisip kong bisitahin ang Trinoma sa Quezon City.
Kakalungkot. Parang mas marami pang sales staff sa isang store kesa sa mga costumer.
Pero safe mag-mall.
Strict ang guidelines : hindi puwede ang nasa vulnerable sector / high risk groups below 21 or 60 years old.
Lahat din dapat, may quarantine pass at kailangan mo nang magsulat ng personal information para if ever, may record sila sa contact tracing.
Hindi rin puwede ang walang face shield kahit nasa loob ka ng mall. At pag maling face shield ang suot mo, kailangan mong bumili ng standard size or else, palalabasin ka.
Masipag magpaalala ang Quezon City Government headed by Mayor Joy Belmonte na “Paalala sa ating QCitizens, kinakailangang ipakita ang inyong quarantine pass o company ID bago payagang makapasok sa mga establisimyento sa Quezon City.”
At ang maganda sa Trinoma suportado nila ang Wear A Mask campaign sa Quezon City kung saan pinapakita sa LED screens ng mall ang kanilang kampanya para paalalahanan ang bawat isa na parating magsuot ng face mask at face shield na rin.
Pero paalala pa rin na bawal pa ring magtambay sa mall. Kung may kailangan lang, saka lang pumasyal at ‘wag magbabad. Pinaka-safe pa rin sa bahay.
- Latest