Ilang pictures na kasama si Yassi Pressman ang pinost ng businesswoman/philanthropist na si Chemist Pinky Tobiano sa kanyang social media accounts.
Kuha sa The Farm at San Benito (Batangas) ang pictures na ‘yon.
Akala ko ay noon pa magkakilala ang dalawa, pero nang makatsikahan ko kahapon si Pinky, nabanggit niyang sa lugar lang na ‘yon sila nagkakilala.
Pero puring-puri ni Pinky ang isa sa stars ng FPJ’s Ang Probinsyano.
“I met her here lang. She’s so sweet. Yassi’s with her sister.
“When I arrived, they’re here na. Hindi ko lang alam up to when sila dito, but they’re still here,” sabi ni Pinky.
‘Katuwa lang na kahit maituturing na ring big star ngayon si Yassi ay wala kang maririnig na nagbago ng ugali ang dalaga.
Actually, kahit ako naman, Ateng Salve, kapag nakikita ko sa mga event nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati si Yassi, palagi siyang sweet.
Malayo siya sa ibang mga artistang sumikat lang ay naging isnabera na!
‘Yan din ang maipupuri ko kay Jennylyn Mercado!
Since Starstruck days niya, mabait na si Jennylyn at kahit sabihing isa siya sa most important stars ng GMA 7, hindi rin nagbabago ang ugali ng aktres.
Kung gaano siya ka-sweet noong 2004 na nakilala ko siya sa Starstruck, ganoon pa rin naman ang ugali niya hanggang ngayon.
Naalala ko pa nga nang makita ko sila ng boyfriend niyang si Dennis Trillo kasama ang anak niyang si AJ sa Power Plant Mall sa Rockwell Center, sila pa ang unang bumati at nakipagtsikahan sa akin.
Ipinakilala pa nga ako ni Jennylyn sa kanyang anak.
Actually, isa nga si Jennylyn sa mga artistang kilala ang entertainment press na madalas niyang nakakatsikahan sa mga showbiz event.
Sana nga ay tularan sina Yassi at Jennylyn ng mga baguhan sa showbiz, huh!
Martin, busy na uli
Bukas ang 100th episode ng Martin in the House, ang online show ng Concert King na si Martin Nievera kasama ang twin-sister niyang si Vicki Nievera sa kanyang official Facebook page.
Simula nga mamayang gabi, live na naman silang mapapanood.
Sa tsikahan namin kahapon ni Vicki, nabanggit niya na this week ay hanggang Wednesday sila magsu-show.
Marami na rin kasing ginagawa ngayon si Martin kaya hindi na nila kayang every night na mag-live.
Nabuo ang online show na ‘yon dahil sa lockdown na bunga ng COVID-19 pandemic.
Ay naku, Ateng Salve, ang bilis talagang lumipas ng mga araw dahil almost September na.
Aba, next week, magsisimula na nating mapakinggan ang Christmas songs dahil sa Philippines talaga ang may pinakamahabang Christmas celebration dahil September 1 pa lang ay napapakinggan na ang iba’t ibang Christmas songs at may iba pa nga na nagdedekorasyon na ng pang-Christmas, huh!
Ang bongga!
‘Yun na!