^

PSN Showbiz

Clint at Thai billionaire na trans, mas malalim na ang relasyon?!

RATED A - Pilipino Star Ngayon
Clint at Thai billionaire na trans, mas malalim na ang relasyon?!
Clint Bondad at Jakkaphong Anne Jakrajutatip

Maraming netizens ang nagulat sa hitsura ngayon ng ex-boyfriend ng 2018 Miss Universe na si Catriona Gray, ang German-Filipino model-actor an si Clint Bondad dahil para itong hermitanyo sa haba ng kanyang balbas.

Nakakaintriga ang mga litrato ni Clint kasama ang kanyang benefactor, ang Thai billio­naire na si Jakkaphong `Anne’ Jakrajutatip, tumatayong Chief Operating Officer (CEO) ng JKN Media Public Company, Ltd. sa Thailand.

Although ini-insist ni Anne na parang kapatid lamang umano ang turingan nila Clint, marami ang hindi naniniwala sa kanya.  May ilang buwan na rin umanong nakatira si Clink sa Thailand kasama si Anne.

Si Clint ay sa Germany isinilang at lumaki.  Pagkatapos ng high school sa Frankfurt, Germany ay dumating siya ng Pilipinas in 2011 at dito na rin siya ng college. He took up Biology and Arts sa University of Asia and the Pacific at pinasok din niya ang pagmu-model.

Although may mga guesting siya sa ilang programa ng ABS-CBN, lumipat siya ng GMA at naging bahagi ng TV series na Love You Two kung saan tampok na mga bituin sina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.  Nang matapos ang serye ay tila natapos na rin ang `acting career’ ni Clint  na naging controversial sa kanyang mga cryptic posts alluding sa kanyang ex-girlfriend na si Catriona at boyfriend nito ngayon, ang American-Filipino singer-actor na si Sam Milby.

Paniwala ng marami ay hindi umano matanggap ni Clint ang break-up nila ng Fil-Aussie beauty queen-singer na si Catriona na may bago nang nobyo ngayon sa katauhan ni Sam.

Alden, umaasang makakabawi sa negosyo

Alam mo, Salve A., generally, lahat ng mga negosyo ay apektado na kasalukuyang kinakaharap ng buong mundo at hindi ligtas dito ang Pilipinas dahil sa pagkalat ng coronavirus (COVID-19).  Dito lamang sa Pilipinas ay milyun-milyong mga Filipino ang nawalan ng trabaho at nagugutom dahil sa pandemya.  Maraming mga negosyo ang apektado at nagsara habang ang iba ay nagbawas ng kanilang mga empleyado.  Bagsak din ang ekonomiya ng Pilipinas at maging ng ibang bansa.

Marami sa ating local celebrities na may kani-kanyang negosyo ang naapektuhan at hindi naiiba sa kanila ang Kapuso prime actor na si Alden Richards na may apat na branches ng Concha’s Café (restaurant) at isang franchise ng McDonald’s.  Pero kung ang iba ay nagsara na at nagtanggal ng kanilang mga empleyado, kakaiba naman ang naging diskarte ng actor-entrepreneur dahil sa halip na magbawas ng kanyang mga empleyado, ginawa niyang alternating ang kanilang pasok para ang lahat ay may trabaho kahit papaano. Sa gitna ng lockdown ay tumulong din si Alden sa kanyang mga empleyado para hindi magutom.

Although balik na sa general community quarantine ang Metro Manila at ibang karatig lugar, limitado pa rin ang dining capacity ng mga resto ni Alden at kakaunti pa rin ang mga customers na kumakain sa mga restaurant.

Gayunpaman, umaasa si Alden na makakabawi rin ang kanyang mga negosyo balang araw.

CLINT BONDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with