Cute naman ng mga ginagawa ng celebrity babies natin sa Instagram. ‘Yung pagkain ng tuyo ni Scarlet Snow Belo, ‘yung pagwawalis ni Zia Dantes at ang mga itinuturo ni Pauleen Sotto kay Talitha na madali nitong natutunan.
Lumalaki ang babies under the close watch ng fans na tuwang-tuwa sa kanila kaya naman ang dami nilang followers at talagang imposible na hindi sila makilala pag nasa public sila.
Ang cute rin na lumalaki silang very sweet at talagang very close sa tao.
They will be the second generation of superstars at very well deserving naman.
Scarlet, Talitha at Zia, the future is yours, bongga talaga.
Virtual celebration ni Mother Lily, naging memorable
Tuwang tuwa si Jun Lalin sa Zoom birthday party ni Mother Lily Monteverde, Salve. Talaga raw ang daming flashbacks na pinag-usapan kaya ang saya- saya ng lahat.
Cute ang idea na dahil nga bawal ang big gathering, kaya ginagawa na lang via Zoom ang batian.
Hindi mo ma-imagine na darating sa ganoon ang birthday parties sa panahong ito, pero kung iisipin mo, ang ganda na rin ng technology dahil hayun, nasa LA, USA si Jun Lalin, nasa Greenhills naman si Mother Lily at all over the metropolis ang guests na bumati na hanggang tatlong oras tumagal ang chikahan.
Sure ako na isa ito sa pinakamasayang party ni Mother Lily dahil nakita niya kahit sa gitna ng pandemic heto at nariyan ang lahat ng friends niya that really matter to her.
Happy birthday again, our Mother Lily.
At speaking of June, bongga rin talaga siya na bukod sa pagho-host sa party ni Mother Lily, nagagawa niya ang PR job niya kina Red Gatus at Niño Bautista ng Cosmo Cee na ang bagong endorser nga ay si Alden Richards.
Kaloka, dahil nag-complain ako na hindi ko natanggap ang unang pinadala kaya heto si Jun to the rescue para palitan ang ‘nawawalang’ Cosmo Cee.
At hindi lang iyan, talagang naghanap siya ng delivery ng hot spicy tacos para maipadala sa akin, PR at the height ha.
Kaya naman kahit pa long distance ang service ni Jun Lalin at doble ang budget dahil US dollar ang ibinayad nina Niño at Red, ok lang dahil talagang ginagawa nito ang trabaho niya. Thumbs up, Jun at thank you. Bongga ka talaga.