Arci, walang malisya kay Gerald

Arci
STAR/ File

Masaya si Arci Muñoz dahil muling nakatrabaho si Gerald Anderson. Matatandaang nagkatambal ang dalawa sa pelikulang Always Be Maybe at Can We Still Be Friends. Simula naman mamayang gabi ay mapapanood naman sa Kapamilya Online Live ang Love Unlock na pinagbibidahan nina Arci, Gerald, Julia Barretto at Joshua Garcia. “Masaya ako na si Gerald ‘yung nakasama ko dito. To reunite with Ge during the lockdown, para sa akin plus na rin ‘yon para makapagkumusta na rin ako sa kanya and how he is doing. I’m just really glad na siya ‘yung nakasama ko dito sa series na ito,” pahayag ni Arci.

Sobrang kumportable na ng aktres sa mga ginagawa nilang eksena ni Gerald. Mahirap lamang talaga umanong magtrabaho ngayon dahil sa limitasyon na dulot ng COVID-19 pandemic. “Challenge talaga mag-shoot ngayon sa bahay. ‘Yon ‘yung pinaka-challenge. Pero kung about ‘yung relationship ko with Ge, wala akong problema. Sobrang kumportable ako kay Ge. Siguro dahil hindi ko hinahaluan ng malice ‘yung mga bagay. Challenge talaga ‘yung mag-shoot sa bahay na kayo lang ‘yung nando’n. Ang hirap ng virtual touching. Na-miss ko talaga, hanggang sa Zoom na lang talaga lahat ng bagay ngayon,” paliwanag ng dalaga.

Moira hindi makahinga sa anxiety attacks

Nakaranas ng anxiety attacks si Moira dela Torre nitong mga nagdaang araw. Ayon sa singer ay talagang mahirap ang lahat ng kanyang naram­daman. Naibahagi ni Moira sa pamamagitan ng isang Instagram post ang kanyang mga saloobin dahil sa mga nangyari.

“The past few days have been tough mentally. Anxiety attacks have been often. My joints start to stiffen. I couldn’t breathe. But it hurts more to know that so many people go through this with me every single day.

“So let this post be a reminder that it’s okay not to be okay and that getting help is good! It’s not something to be ashamed of. Our partners, our fa­mily, our friends, our psychiatrists are all gifts from God. Don’t be afraid to open up. Your pain is valid. You are important and you are worthy to be heard.

“I also need you to know, healing is for YOU. God ACTUALLY wants to heal you and to bless you. So don’t let the enemy drown you in shame and rob you of the healing you deserve because you are SO loved. Our confidence is that we have a faithful Father we can always trust.

“Lastly, remember that you have conquered tougher days. NONE of this is permanent… so keep going, my friend! The pain you are suffering cannot compare to the joy that is coming!! So at present, we can exercise the muscle of gratitude so much that it outweighs the muscle of worry. TOGETHER. You are stronger & braver than you think and you are most definitely not alone,” post ni Moira.   (Reports from JCC)

Show comments