Greenhills, parang ghost town!

Para raw ghost town ang Greenhills lately, Salve.

Hindi na gaya ng dati na talagang bustling with life ang lugar na para bang walang patid ang tao sa rami. Now, you feel eerie na hindi na ganoon karami ang nakikita mong tao.

Sa Greenhills pa naman ang magic place ng apo-apohan kong si MJ, iyon bang basta may nasira siyang gamit ay sasabihin niya ipapaayos at dadalhin niya iyon sa Greenhills. Parang lahat puwede pang magawa roon kaya parang sabi niya, magic dahil maaayos pag doon dinala ang kahit ano.

Saka gustung-gusto ni MJ dahil marami siyang nakikitang basketball players sa lugar dahil doon madalas magpa-download ng games sa computer ang players kaya doon sila naka-standby.

Sayang, ang ganda ng aura ng Greenhills na hindi dapat mawala. Magic place for kids and kids at heart.

‘Parang catatonic!’

Pag pala bad ang feeling mo na para kang catatonic. ‘Yung tipong parang walang laman ang utak mo at para ka lang lumulutang sa hangin.

Hindi mo gugustuhing kumain dahil wala kang gana, mabuti at inom ka ng inom ng tubig dahil kung hindi, halos wala nang laman ang tiyan mo.

Basta stand still ang lahat sa paligid mo, wala ka sa mood at parang may mental block. Hindi mo nga maumpisahan ang pag-andar ng utak mo dahil parang nakahinto ang motor nito.

Wala talaga ang dating wisyo mo. Very weak ka kaya para bang wala at nakahinto muna ang lahat.

Mapa-TV o radio hindi mo mapapansin, dahil parang ayaw i-pick up ng brains mo. Lahat sa katawan mo ay tamad na tamad at ayaw umandar, baka pag ok na ang pakiramdam mo saka siya gagana.

Naku pati utak ko naka-quarantine, lockdown at catatonic.

‘Kaloka talaga, basta bigla mo lang mapi-feel na tamad ka, tapos heto ang tagal na ha.

Gusto ko na gumaling, bored na ako sa katamaran, huh huh.

#MPK, may bagong episode na

Isang bagong episode ang mapapanood ng Kapuso viewers sa Magpakailanman ngayong Sabado (August 15).

Napapanahong kwento ito ng Layug family, mga Pinoy sa Amerika na na-infect ng COVID-19.

Tampok sa episode ang mag-asawang sina Nonie at Shamaine Buencamino at si Rita Daniela.

Ayon sa #MPK, isa ito sa mga paraan para magbigay-pugay sa medical frontliners.

Pero paano nga kaya mapagtatagumpayan ng pamilya Layug ang pagsubok na ito?

Alamin ngayong Sabado sa Magpakailanman pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.

Show comments