Gerald: ‘My fitness business is at stake’

Gerald

Tanggap na mabilis mawala ang lahat

Mula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ay maraming negosyo na ang nagsarado. Matatandaang noong isang taon lamang nagbukas ang The Th3rd Floor gym na pag-aari ni Gerald Anderson. Pansamantalang nakasara ang negos­yo ng aktor dahil ipinagbabawal pa rin ang operasyon ng mga fitness center ngayon. “It’s different situation. This is life and death. This is being sick. Your livelihood is being taken away from the ABS-CBN shutdown. My fitness business is at stake because of the lockdown. It taught me how to be more resilient. And this situation taught me how fast things can be taken away from you,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil umeere pa rin ngayon sa Kapamilya Channel ang teleseryeng A Soldier’s Heart na kanyang pinagbibidahan. Ayon kay Gerald ay talagang ginagawa ng kanilang buong grupo ang protocols na ipinatutupad upang maging ligtas ang lahat sa trabaho. “I did all the testing, all the process para maging safe. But at the end of the day, you’ll never know. I’m still here being able to work and still being able to produce quality show for all our supporters and audience even during this pandemic and this lockdown,” paglalahad ng binata.

Kahit nahirapan sa taping si Gerald ay masaya naman daw na nakapagbibigay pa rin ng programang maaaring mapanood ng mga sumusuporta sa Kapamilya Network. “I’ll be very honest. It was a very hard situation because everyone was exposed when we’re there. But everyone was motivated because we know that we’re doing something good for our supporters. I think ABS is the best at finding ways to give back to people who support us,” paliwanag ng aktor.

Pang-legit account lang Erich, mamimigay ng tatlong tablets

Masayang-masaya si Erich Gonzales dahil nakatanggap na ng Gold Creator Award mula sa pamunuan ng YouTube. Mahigit isang milyon na ang channel subscri­bers ng aktres ngayon. “Happy one million subscribers sa atin. Yes, sa ating lahat dahil sini-share ko ito sa inyo. Thank you, puro thank you talaga, maraming salamat, daghang salamat. Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng subscribers mula last year pa. A million thank you to all of you,” mensahe ni Erich.

Bilang pasasalamat sa netizens ay magbibigay ng tatlong tablets ang aktres sa patuloy na sumusuporta sa kanyang YouTube channel. Pipili si Erich ng tatlong maswerteng tagahanga na kanyang bibigyan ng naturang gadget. “Meron tayong pa-giveaway, tatlo po ito. To win these, all you have to do is mag-subscribe po kayo dito sa channel natin. Mag-comment kayo kung bakit gusto ninyo maka-receive ng tablet na ito. I-follow po ninyo ‘yung aking Instagram account and i-like at i-follow ang aking Facebook account. And ito po very important, dapat ‘yung account n’yo po ay public para makita natin ‘yan. Dapat legit kayo, real na real, authentic, hindi kayo robot. Kahit sino po pwedeng sumali at ang announcement po ng winner natin is on August 24,” pagbabahagi ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments