Tuloy na tuloy raw ang pilot telecast ng Chika Besh! ng TV5 on August 17, kaya naman tuloy-tuloy ang taping nina Pokwang, Ria Atayde at Pauleen Luna para sa kanilang bagong morning show.
Kahapon, may taping na naman sila.
Ang ibang guests nila ay nasa studio, pero meron ding via Zoom app like Assunta de Rossi na kahapon nag-taping.
Buntis si Assunta, kaya siyempre hindi siya puwedeng mag-taping sa studio, kaya sa bahay lang siya via Zoom app nga.
Kailangan daw mag-ipon ang Chika Besh! ng advance episodes dahil sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic ay hindi sigurado kung magkakabulilyaso at panget nga naman na kasisimula pa lang nila ay magre-replay na sila kapad.
?Marami nga rin pala sa staff ng ChiKa Besh! ay mga dating taga-ABS-CBN at meron din namang mga galing sa GMA 7 na matagal na ring lumipat sa APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera na siyang producer ng nasabing morning show ng TV5.
Ang bongga lang, ‘di ba, Ateng Salve?
‘Yun na!
ASAP LIVE NA ULI
Ang swab testing kahapon ng mga taga-ASAP Natin ‘To na magbabalik-taping sa Saturday.
Ka-text ko kahapon si Ogie Alcasid sa pamamagitan ng Viber app at kinumusta ko siya.
“Ok naman kami ni Reg. Work kami uli. Saturday hanggang Wednesday ang work namin for ASAP Natin ‘To. Mag-(COVID-19) swab test kami today,” sey ni Ogie.
Pagkatapos daw ng swab testing nila ay kailangan nilang mag-quarantine muna hanggang mag-report sila sa taping ng ASAP Natin ‘To on Saturday.
Sa Sunday naman daw ay live and nasabing Sunday musical show ng ABS-CBN.
Marami-raming episodes din ang gagawin nila kaya hanggang Wednesday sila magte-taping.
Si Martin Nievera nga pala ay kasama na rin sa ASAP Natin ‘To taping on Saturday dahil tapos na by then ang kanyang quarantine dahil galing nga sila ng Amerika ng bunsong anak na si Santino Nievera.
Swab testing na nga pala at hindi na rapid testing ang ginagawa ng Kapamilya network sa mga kasama sa tapings nila dahil mas accurate ‘yon.
Kung matatandaan, nag-positive si Ogie sa rapid testing noon, pero nang i-swab testing siya ay lumabas naman na negative siya sa COVID-19.
Ang mga artista at staff ng Kapamilya network na nakatakdang magbalik-taping ay dadaan din sa swab testing at mag-quarantine rin bago bumalik sa kanilang lock-in.
Mas magastos ang swab testing compared to rapid testing, pero mas accurate nga raw ‘yon.
Hindi nga ba ang isang aktres na kasama sa isang series ng Kapamilya network ay nag-positive rin sa rapid testing, pero nang i-swab testing naman ay negative naman pala sa COVID-19?!