Sa susunod na lunes ay mapapanood na sa kapamilya channel ang teleseryeng Ang Sa Iyo ay Akin. Pinagbibidahan ito nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano.
Masayang-masaya si Iza dahil muli siyang mapapanood sa Primetime. “We were supposed to launch in March. Nag-release na kami ng trailer and then nangyari lahat ito (COVID-19 pandemic). Pinaghirapan talaga ito ng buong team. This is the first time na hina-highlight pati mga tao sa likod ng camera. Kaya sobrang nakakatuwa at napaka-exciting talaga ng mga bagay-bagay,” nakangiting pahayag ni Iza.
Matatandaang nagkaroon ng COVID ang aktres ilang buwan na ang nakalilipas. Kahit nakaligtas sa naturang respiratory disease ay aminado si Iza na nakararamdam pa rin siya ng takot ngayon sa trabaho. “Bilang COVID survivor, hindi ko sinasabi na I’m walking around fearlessly. Siyempre meron ako at that time when we went into the lock in. I knew I still had anti-bodies. Parang inisip ko tapos na ako diyan pero hindi ako nagpakasiguro dahil hindi natin alam hanggang kailan ang anti-bodies. Marami pa tayong hindi alam sa sakit na ito. There was some fear, there were concerns na, ‘Magiging safe ba tayo?’ But ABS-CBN prepared very strict guidelines that we kept on trying to meet. Production was making sure na nasusunod. Araw-araw na lang na tuloy ang aming dasal at pag-iingat. We remind ourselves on set of all the measures that we have to take. So that we would keep ourselves and each other safe and well,” pagbabahagi ng aktres.
Christian, sasabak sa online show
Napatigil ang taping ng teleseryeng pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Richard Gutierrez dahil sa banta ng covid-19 pandemic at pagsasara ng ABS-CBN.
Kabilang sa bagong proyekto si Christian Bables at ayon sa aktor ay posible pa rin naman itong matuloy. “Awa po ni God, noong huling makausap ko ang EP (Executive Producer) ng show ay tuloy pa rin daw po ang taping. Postponed lang daw po (muna). Kung kailan po itutuloy ‘yon siyempre hindi ko po alam. Depende po ‘yon sa sitwasyon natin ngayon. Kasi nga may covid at tumataas pa ‘yung mga cases,” pahayag ni Christian.
Bukod sa bagong serye ay marami ring pelikula ang nakatakdang gawin ng aktor. “Posponed din daw ang shooting ng tatlong pelikulang gagawin ko, pero mag-start na po kami mag-shoot ng isa ngayong August,” giit ng binata.
Nagpaplano na rin si Christian na gumawa ng sariling YouTube channel dahil sa pagsasara ng Kapamilya network. “Pinaghahandaan na po namin ang pagbubukas ng YouTube channel ko. Hindi po the usual vlogging ang mapapanood dito. Magkakaroon po kami ng shows na very inclined pa rin po sa kung ano ang passion ko, acting, at sa mga nais ko pang ma-explore tulad ng hosting. Malapit na po ito,” pagtatapos ng aktor. (Reports from JCC)