^

PSN Showbiz

Nai-cremate na Eddie Ilarde, huling orig host ng Student Canteen na namatay

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Nai-cremate na Eddie Ilarde, huling orig host ng Student Canteen na namatay

Tok, tok, tok. “May I come in,”, ganyan ang laging linya ng host ng noon ay pinakasikat na advice program sa radyo, si Eddie Ilarde sa kanyang programang Kahapon Lamang. Nagbabasa siya ng sulat mula sa mga nakikinig, at nagbibigay siya ng payo. Mula sa mga sulat na iyon nagsimula iyong bukambibig na “napakasakit Kuya Eddie.”

Iyong mapipili nilang sulat ay ginagawang drama kung araw ng Sabado. Ganoon ang takbo ng mga programa noon ng dzXL, na siyang flagship station ng CBN o Chronicle Broadcasting Network, bago sila nakipag-merge sa ABS o Alto Broadcasting System, na sinimulan ni Antonio Quirino, na siyang nagpasimuno  ng telebisyon sa bansa.

Hindi na matandaan ng mga tao kung kailan nga ba talagang nagsimula ang Student Canteen, pero ang talagang title ng programang iyan ay CBN Canteen, na sumasahimpapawid mula sa canteen mismo ng CBN Building sa Intramuros, pero noong mag-click nga ang show sa mga estudyante, pinalitan ang title at ginawang Student Canteen. Ang mga original host ay sina Eddie Ilarde, Leila Benitez, Bobby de Veyra at Bobby Ledesma.

Noong July 1958, nang buksan ang TV station ng CBN, ang Channel 3, sumahimpapawid din sa TV ang Student Canteen.

Nagkaroon din sila ng problema. Pumasok sa pulitika si Eddie Ilarde, una bilang konsehal ng Makati na noon ay first district ng probinsiya ng Rizal. Tapos nag-congressman pa siya bago tumakbong senador.

Si Eddie Ilarde ay kabilang noon sa mga pinakasikat na radio announcers ng dzXL ng ABS-CBN, kasama ang kinikilalang pioneer sa public service na si Johnny de Leon, at si Tiya Dely Magpayo.

Sa dzXL din nagsimula ang isang programa sa radyo kung Linggo ng gabi na ang stars ay mga kilalang artista sa pelikula ng Sampaguita Pictures, iyong The Big Broadcast, na nang malaunan ay ginawa ring pelikula.

Iniwan ni Eddie Ilarde ang pulitika, una nga dahil mahina na rin naman siya dahil sa naging biktima rin siya ng pambobomba noon sa Plaza Miranda. Pero hindi niya iniwan ang pagiging isang broadcaster. Hanggang sa mga huling sandali, sumasahimpapawid ang kanyang Kahapon Lamang, kung saan naririnig ang mga magagandang lumang tugtugin kung Linggo ng hapon at ang kanyang opinion sa mga issues, sa dzBB.

Naging bahagi rin si Eddie Ilarde ng GMA 7, dahil ginawa rin nila roon ang Student Canteen na ang producer ay ang kanyang kompanyang Production Philippine Exponents, tapos napunta rin sila sa RPN 9. Doon natapos ang sinasabing 32 years ng Student Canteen.

Masasabing isang era sa radio broadcasting ang natapos nang yumao si Eddie Ilarde noong Lunes ng umaga sa kanyang tahanan sa Makati. Siya ay 85 years old.

Turning 86 siya sa August 25. Agad namang naipa-cremate ang kanyang mga labi, at ang kanyang pamilya ay humingi ng isang pribadong panahon ng pagdadalamhati. Ganoon pa man, hinihintay ni Senate President Tito Sotto ang desisyon ng pamilya ng yumaong broadcaster, dahil gusto niyang parangalan din sa Senado.

Si Eddie Ilarde ang kahuli-hulihang orihinal na host ng Student Canteen na yumao. Nauna na si Bobby Ledesma noong 1993, si Pepe Pimentel ay inatake naman sa puso at yumao na rin noong 2013, at si Leila Benitez ay yumao na rin ngayong taong ito lamang dahil sa COVID-19 complications.

ISYU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with