Richard hindi nailang kay Yassi
Ang mga fan na tuwang-tuwa sa tambalang Richard Gutierrez-Yassi Pressman sa. FPJ’s Ang Probinsyano
Maraming mga fan ang maka-LiYanna (Lito ang pangalan ng character ni Richard at Alyanna naman ang pangalan ng character ni Yassi sa series na pinagbibidahan ni Coco Martin).
In real life, close friend ng misis ni Richard na si Sarah Lahbati si Yassi.
Hindi ba nailang ang aktor na in love ang character na ginagampanan niya sa character ni Yassi sa series ng Kapamilya network?
“Actually, ‘yung pagiging friends nina Sarah and Yassi, parang mas naging relax pa nga ako. Kasi matagal ko na ngang kakilala si Yassi.
“And then sa mga party, palagi ko siyang nakakausap. Parang relax na ako sa kanya, so noong ginagawa na namin ang mga eksena, wala nang ilangan.
“Parang mas komportable na kami sa isa’t isa,” sey ni Richard.
Siyempre, maging si Sarah din, mas relax na si Yassi ang kapareha ng kanyang mister, huh!
Oo nga pala, before the end of the month pa ang balik ni Richard sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano, kaya hindi affected ng MECQ ang taping nila, huh!
Sa ngayon, ine-enjoy rin ni Richard ang pagba-bon-ding nila ng misis at mga anak na sina Zion at Kai.
Ang mababago nga lang, dahil stay at home uli sila, hindi na muna sila makakapunta sa White Plains house nila tuwing Sunday para dalawin sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.
Taping nila Maricel sa September na ang resume
Sa September 1 pa raw ang resume ng lock-in taping ng Ang sa Iyo ay Akin kaya hindi rin ‘yon affected ng MECQ.
Makakapag-resume sila sa araw na ‘yon huwag lang ma-extend ang MECQ.
Sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby with Ms. Maricel Soriano ang stars ng bagong series ng Kapamilya Channel.
EB family tuloy ang suweldo sa MECQ
Pahinga uli ang ilang hosts at staff ng Eat Bulaga dahil sa MECQ though may part na naka-live silang mga host via Zoom app.
Pero ang bongga lang ayon sa isang staff na kausap ko, kahit replay ang maraming part ng Eat Bulaga, may suweldo pa rin naman daw sila sa TAPE, Inc. na producer ng Philippines’ longest running noontime show, huh!
Ang bongga!
‘Yun na!
Janice puwede kahit saang channel
Ang talent manager na si Popoy Caritativo ang humahawak sa career ni Janice de Belen.
Tinanong ko si Popoy kung saang TV network ba talaga nakakontrata ngayon si Janice?
Isa kasi sa judges sa Bangon Talentadong Pinoy ng TV5 si Janice.
“Actually, freelance si Janice. Pero ang last series niya was The General’s Daughter with Angel (Locsin),” sabi ng talent manager.
So, sa ABS-CBN huling napanood sa regular series si Janice, pero wala naman pala siyang exclusive contract sa Kapamilya network (at walang existing show), kaya hindi problema na judge siya ngayon sa talent show na iho-host uli ni Ryan Agoncillo starting August 15.
Sana nga lang, Ateng Salve, itong MECQ (mo-dified enhanced community quarantine) sa Metro Manila at mga karatig-probinsya ay hindi maging dahilan para hindi matuloy ang pilot episode nila two Saturdays from now.
- Latest