May-ari ng beauty salons, malaki ang problema

Kawawa naman talaga ang mga beauty salon, Salve. Parang kelan lang sila pinayagang magbukas, tapos ngayon hindi na naman sila puwedeng mag-operate. Imagine ang laki ng lost of income ni Bambbi Fuentes doon sa four-month lockdown, tapos after at nang nagbukas sila hindi pa rin full operation dahil nga sa mga health protocol na dapat sundin, tapos heto na naman.

Ang hirap pala talaga na maging business person nowadays dahil talagang tiyaga at dapat malaki mong puhunan.

Ang mga staff na dapat mo pa ring tulungan dahil wala namang pupuntahan, siyempre dahil ikaw ang boss nila, parang ikaw ang mother figure nila kaya dapat alagaan sila.

Wow, ang laki ng responsibilidad mo at ang masakit ay hindi mo alam kung kelan mag-stabilize ang lahat ng ito, at hanggang kelan mo patuloy na itatakbo ang business mo.

Pati nga ang mga booking ni Bambbi Fuentes sa mga makeup sa weddings, ‘yung iba nag-cancel dahil hindi na puwede ang grand celebrations.

I can just imagine ‘yung sakit ng ulo ni Bambbi at I really feel for her.

Naku hayaan mo, matatapos din ito, Bambbi, and sure ako, once again your salon will be crowded again.

Cheer up.

Traditional ways ng paggagamot, mas bagay pangontra sa COVID-19

Alam mo ba Salve, na enjoy na enjoy ako sa ‘suob,’ ‘yung mainit na tubig na lalagyan ng menthol tapos magtataklob ka ng kumot.

‘Di ba parang after mong gawin ito, ang gaan ng pakiramdam mo, kaya natutuwa ako na sinasabi na isa ito sa way para makaiwas sa COVID-19 o para gumaan ang pakiramdam mo pag medyo feeling weak ka.

‘Yung old ways ng panggagamot ay usually better pa sa mga makabagong paraan sa ngayon, kaya naman madalas ginagamit din ng mga ilan na alam ito.

‘Yung pagmumog ng asin, noon pa pinagagawa sa atin iyan ng mga nanay natin kaya hindi kataka-taka na hanggang ngayon ginagawa pa rin.

Naku, kahit ano basta magamot lang ang COVID-19 ay gawin natin noh!

Show comments