MANILA, Philippines — Wala raw plano ang Pilipinas ipagbawal ang Chinese video-sharing social networking service na TikTok, sa kabila ng itinutulak na "ban" sa application ng Estados Unidos kaugnay ng security concerns.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni U.S. President Donald Trump, Biyernes, na ipagbabawal niya ito sa kanilang bansa, matapos lumabas ang ugong-ugong na ginagamit ito para sa intelligence ng Beijing.
"Wala pong dahilan na nakikita para i-ban ang TikTok dito sa Pilipinas," banggit ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing, Martes.
"Sa mga nagsasabi na nanunupil si Presidente ng karapatan ng malayang pananalita, wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente. Wala pong dahilan para i-ban ang Tiktok sa Pilipinas."
Roque: Wala pong kahit anong website na bina-ban ang Presidente. Wala pong dahilan para i-ban ang Tiktok sa Pilipinas @PhilippineStar @PhilstarNews
— Alexis B. Romero (@alexisbromero) August 4, 2020
Ang ex-human rights lawyer at tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kilala ring parokyano ng tanyag na Chinese app. May 96,800 TikTok followers si Roque sa kasalukuyan.
Marso 2020 nang unang magpaskil ng sarili niyang videos doon si Roque, kung saan sumasayaw siya kadalasan. Agad namang naging viral ang kanyang pag-indak.
May kaugnayan: 'Patok sa TikTok?': Ex-Duterte spokesperson todo-hataw sa dance video
My first til tok video pic.twitter.com/MTS84kNmUa
— Harry Roque (@attyharryroque) March 4, 2020
Ayon kay US Secretary Secretary of State Mike Pompeo, Linggo, ilang araw na lang ang nalalabi bago tuluyang kumilos si Trump laban sa app.
Aniya, kumikilos daw kasi ang TikTok at iba pang Chinese apps para kunin ang mga personal na datos ng mga Amerikano, bagay na ipinapasa raw nila sa Chinese Communist Party.
"President Trump has said, 'Enough,' and we’re going to fix it," ani Pompeo sa panayam ng Fox News.
"And so he will take action in the coming days with respect to a broad array of national security risks that are presented by software connected to the Chinese Communist Party."
Kilalang malapit na kaibigan at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping.
Sa kabila niyan, naninindigan si TikTok CEO Kevin Mayer na walang halong political agenda ang kanilang app, at nais lang daw na mag-enjoy ang kanilang users.
"We are not political, we do not accept political advertising and have no agenda — our only objective is to remain a vibrant, dynamic platform for everyone to enjoy," sabi ni Mayer.
"TikTok has become the latest target, but we are not the enemy."
Hindi lang ang Amerika ang may problema ngayon sa TikTok. Hunyo nang unang ibalita na iba-ban ng India — ang ikalawang bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo — ang TikTok, WeChat at halos 60 Chinese smartphone apps matapos ang sagupaan ng Tsina at India sa pinag-aagawang teritoryo. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero