Ate Vi, tuwang-tuwa sa MECQ

Vilma Santos

Tuwang-tuwa naman si Congresswoman Vilma Santos at dininig ng national government ang panawagan ng health workers na ibalik ang mas mahigpit na quarantine para hindi sila masagad sa trabaho sa mga ospital dahil sa paglobo ng bilang ng mga infected ng COVID-19. Bago iyan, nakiisa si Ate Vi sa mga health worker at gumawa siya ng panawagan na ibalik nga ang mas mahigpit na quarantine. Una dahil naniniwala siyang iyon nga ang kailangan. Ikalawa, sinasabi niyang hindi dapat pabayaan ang health workers na humihingi lang naman nang kaun­ting kaluwagan sa trabaho.

“Naaalarma ako sa mga ganyang sitwasyon. Hindi lang dahil sa baka lumala nga ang pandemic pero kagaya na rin ng sinabi ng presidente, ang ganyang sitwasyon ay ginagamit ng mga kalaban ng gobyerno para makagawa pa ng mas malalaking problema. Sa ngayong mayroon na nga tayong pandemic, naniniwala akong hindi na tayo dapat magkaroon ng iba pang problema, lalo na sa national security,” sabi ni Ate Vi.

Ang kanyang lugar ay nagdeklara ng lockdown.

“Hindi naman total lockdown as is wala nang makakalabas. Tuloy ang trabaho, naghigpit lang sa mga papasok at lalabas ng Lipa. Nagpaikot din ako ng mga tao sa mga ospital para tingnan ang sitwasyon. Dito naman sa amin, hindi pa masasabing alarming ang situation. Pero sila man apektado na rin. Pagod na rin naman sila dahil sa halos 12 oras na trabaho simula pa noong limang buwan na ang nakakaraan. Kahit na sabihin mong mga bata pa iyan, nakakaramdam din naman sila ng pagod. Ni hindi sila humihingi ng bakasyon, ang hinihingi lang nila, kaunting higpit pa para mabawasan ang dating ng mga pasyente,”sabi pa ni Ate Vi.

Sa ngayon inaamin niyang natutuwa siya sa naging desisyon ng presidente sa quarantine.

Bela nagpasaring kay Bong

May parinig si Bela Padilla kay Senador Bong Revilla, matapos na sabihin ng senador na kailangang ibigay nang libre ang face masks. Binanggit ni Bela ang halagang iniutos noon ng korte na ibalik ng senador, na sinasabi naman niyang wala siyang kailangang ibalik dahil wala naman siyang kasalanan. Iyon daw ang ipambili ng mga libreng face mask na maaaring ipamigay, sabi ni Bela.

Kung iisipin mo, pareho naman silang artista rin. Pero sa halip na magkatulungan, ang nangyayari ay sila pa ang nagkakabanatan. Sa panahong ganito, dapat isipin na lang kung papaano makakatulong ang isa’t isa.

Aktor na humahada, todo laklak ng ascorbic acid                                                                                

Talaga raw lumalaklak ng ascorbic acid o vitamin C ang isang young male star. Ang paniwala niya kasi makakatulong iyon para maiwasan niya ang COVID-19. Pero ang mas siguradong maiiwasan niya ang COVID-19 kung ititigil niya ang kanyang “sideline na walang social distancing”. Kaso mukhang wala siyang balak na itigil iyon dahil matagal na nga siyang walang assignment.

Simula kasi noong magwala-wala siya sa kanyang career, lalong wala nang nangyari sa kanya. Ngayon hindi na niya alam kung saan siya pupunta, kaya wala siyang choice kundi mag-sideline na lang. Umaasa pa naman sa kanya ang kanyang buong pamilya, pati ang tatay niyang may girlfriend pang iba.

Kawawa ang sitwasyon ng batang iyan.

Show comments