Young actress na ubod ng sama ng ugali, hindi sinusukuan ng male personality na karelasyon

Meron na palang bagong pinaglipatan ng korona bilang Simang ang showbiz. Ibig sabihi’y simangutera, maldita, sumpungin.

Maraming nag-aagawan sa ganu’ng titulo, pero ayon sa mga miron ay nakaputong na ngayon sa ulo ng isang young actress ang korona, dahil sa hirap ispilengin ng kanyang ugali.

Kuwento ng isang source, “Walang pinipiling oras ang sumpong niya. Natural lang naman ang pagkakaroon ng tantrums sa mga artista dahil kulang sila sa tulog at pahinga, pero kakaiba ang young actress na ito!

“Kahit sagana siya sa pahinga, e, talagang may sarili na siyang mundo, wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya! Dumarating siya sa set na parang siya na lang ang nabubuhay na tao!

“Pinalalampas na lang ng iba niyang katrabaho ang ugali niya, bata pa raw kasi, kapag nag-mature na siya, e, matututo rin siya!” unang kuwento ng aming impormante.

Marami tuloy nagtataka kung bakit siya minahal ng isang male personality, kilala kasi ito sa pagiging palakaibigan, maganda ang breeding ng lalaking personalidad.

Patuloy ng aming source, “Kahit naman ang mismong family nu’ng guy, e, nagtataka rin kung bakit naging sila. Napakalayo kasi ng mga ugali nilang dalawa!

“Matagal-tagal na ring magkarelasyon ang dalawa, pero hanggang ngayon, e, hindi pa rin pabor ang family nu’ng guy sa girlfriend niya. Nagkakaroon nga ng misunderstan­ding ang pamilya dahil sa girl.

“Ano nga naman ang magagawa nila, e, ang male personality naman ang makikipagrelasyon at hindi naman sila? Naging nega kasi ang guy dahil sa kanya. Hindi magandang influence ang girl sa guy!

“Good luck na lang sa male personality, nakararating sana sa kanya ang mga kuwento ng past relationship ng girl na ang gulu-gulo!

“Sayang, ang ganda pa naman ng girl na ito, magaling din siyang umarte, umalis na sana sa katawan niya ang mga kuwentong hindi kagandahan tungkol sa kanya!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alex, malapit nang isuko ang pagiging virgin

Wala pang eksaktong petsa ang kanilang pagpapakasal pero namanhikan na ang pamilya ni Konsehal Mikee Morada sa pamilya ni Alex Gonzaga sa Taytay.

Kapag nakakakuwentuhan namin nu’n sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty ay tanggap nila na isang araw ay iiwan din sila nina Toni at Alex para sa pagkakaroon ng kani-kanyang pamilya.

Sabi ni Daddy Bonoy, “Pareho silang babae, sa pag-aasawa rin sila mauuwi. Hindi naman namin puwedeng ipag­damot ang pagkakaroon nila ng sariling pamilya.”

At pagkatapos nga nang ilang taon na nilang relasyon ay namanhikan na ang pamilya Morada sa mga Gonzaga. Nakakaaliw ang mga terminong ginamit ni Alex kapag dumating na ang gabi ng kanilang honeymoon.

Du’n lang daw mapatutunayan ni Mikee na pinagpala ito. Makikita na raw ni Mikee ang Yamashita treasure na pinakaiingatan niya. Suwabeng pagsasabi na si Mikee ang unang lalaking makaaangkin sa kanyang pagkababae.

Nu’ng ikasal sina Toni at Direk Paul Soriano ay ganu’n din ang sinabi ni Alex, “O, direk, makukuha mo na ngayon ang matagal mo nang gustong makuha sa ate ko.”

Galawgaw lang ang kanyang dating pero napanatili ni Alex ang kanyang kabirhenan. Sa mga panahong ito na sa edad na katorse o mas bata pa nga ay may karanasan na sa pakikipagtalik ang mga kabataan ay maipagsisigawan talaga ni Alex na pinagpala ang kanyang boyfriend.

Mahigpit ang kanilang mga magulang, hindi puwedeng dumalaw nu’n si Direk Paul kapag may trabaho si Toni, kapag dumadalaw naman ito sa bahay ng mga Gonzaga ay may oras.

At si Daddy Bonoy talaga ang nagpapaalala sa direktor, “Anong oras na ba?” Ibig sabihi’y pack-up na si direk.

Sa nalalapit na pag-aasawa ni Alex ay naaalala tuloy namin ang patalastas ng isang food chain. Araw ng Pasko ay ang mag-asawa lang ang magkasama. May kani-kanyang pamilya na kasi ang kanilang mga anak.

Ganu’n talaga ang kapalaran ng mga magulang, darating ang takdang oras na sila na lang ang maiiwan sa bahay dahil may sarili nang buhay ang kanilang mga supling, pero meron naman silang mabiyayang tubo sa puhunan sa pagkakaroon ng mga apo.

Pero matanaw sa kanilang mga magulang sina Toni at Alex, hindi nila pababayaang malungkot sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty, madalas pa rin silang uuwi sa kanilang bahay sa Taytay.

Show comments