Michael V. tinanggi ang campaign materials

Michael V.

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Michael V. na legit ang kumakalat na campaign material for 2022 na diumano’y post niya. Nakalagay sa nasabing material ang “I stand with the President. Kahit sino mang iluklok ng ba­yan ‘di kakayanin ang bigat kung ‘di natin tutulungan. Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan tayo ang magpapatuloy hanggang sa katapusan. Awatin na ang dilang masakit magsalita. Kawalan ang pusong makatao ang gawa.”

Pero ‘yun nga, fake news daw ‘yun at noong May 16, 2016 pa niya ini-upload na ang umpisa at “Mabuhay ang pangulo! Walang iba… s’ya na nga! Sa bawat bagong araw mayroong bagong simula. DAPAT TAMA isa-puso sa isip at sa salita.”

Paliwanag ni Bitoy sa kanyang Instagram page kahapon : “Madalas kong nakikita sa circulation ‘tong quote ko na ‘to which I posted more than 4 YEARS AGO nu’ng nanalo si Digong as President, to encourage people to accept and respect the election results, consistent with the “Dapat Tama” campaign na ginawa ko with GMA Network. To set the records straight, it’s NOT A RECENT POST.
“Please pay attention to the LAST LINE NA ALL CAPS. I have no problem with people using it for the right reason pero HUWAG PO NATING GA­MITING CAMPAIGN MATERIAL.”

Ang niri-refer niyang all caps ay ang “Walang dapat ikatakot kung ang ginagawa ay tama.”

Kalat sa social media ang nasabing ‘qoute’ ni Michael V. kaya siguro naglabas ng clarification statement ang komedyanteng kasalukuyang nagpapagaling sa COVID-19.

May mga agree at nag-disagree. Pinagbintangan lang nga siyang naghuhugas-kamay lang.

 

Show comments