Nadine, umaming napraning sa ECQ

Nadine

Maraming mga bagay ang natutunan ni Nadine Lustre mula nang ipatupad ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Nakaranas ng mental at physical stress ang dalaga bago pa man lumaganap ang naturang disease sa bansa. “Yes, absorbed that you are energy. Natutunan ko ‘yan no’ng ECQ. Lahat tayo we have to be careful what we wish for. That’s the law of attraction. Sobrang naging negative kasi ako because of everything happening. Di ko rin made-deny kasi ang daming nangyari, nakakatakot. I was very emotional. Sabi ko the world is going to end. For a week gano’n ako, napraning talaga ako. So binago ko point of view and minset ko. It’s true, we have to be careful with the energy and thoughts we put out. What we give out is what we get in return,” paglalahad ni Nadine.

Upang mapanatiling positibo lamang ang mga iniisip ay mayroong iba’t ibang pinagkakaabalahan ang dalaga. “I picked up new hobbies and things I didn’t think I can do before. I did meditation, yoga and I attended online biking and spinning classes, one hour sessions. I am also lucky to have friends and family checking on me. I also have my brother, an assistant and my dogs staying with me. I have learned to count my blessings,” pahayag ng aktres.

Maymay, mag-aaral na ngayong semester

Mula nang tanghaling Big Winner sa Pinoy Big Brother noong 2016 ay tumayo nang breadwinner si Maymay Entrata sa kanyang pamilya. Hindi naging madali para sa dalaga na gampanan ang mga res-ponsibilidad para sa kanyang mga mahal sa buhay. “Hindi ko siya masabing madali. No’ng nineteen years old pa lang ako, naging breadwinner na ako simula po no’ng nanalo ako sa PBB. No’ng una akala ko okay lang kasi blessing. Spread ko lang ‘yung blessing, okay na ‘yon. Pero ‘yung proseso na ‘yon, ‘yon ‘yung mahirap,” paliwanag ni Maymay.

Kahit nakararamdam na ng pagod sa pagtatrabaho minsan ay hindi na ito iniintindi ng aktres dahil iniisip na lamang na para sa pamilya ang kanyang mga pinaghihirapan. “Duma-ting na hirap na hirap ako pero kasi ginusto ko ito. Ginusto ko na maitaguyod ang pamilya ko sa kahirapan at malaking pagkakataon ito para sa akin. Ito ‘yung way ko para matulungan sila. Marami din akong nasakripisyo gaya ng pag-aaral ko. Four years na ako nag-stop sa pag-aaral. Two years na lang sana graduate na ako, kaya this semester mag-e-enroll na ako,” pagbabahagi niya.

Isang malaking karangalan para kay Maymay na naitatagu-yod na niya ang pamilya ngayon. Ayon sa aktres ay masarap sa pakiramdam na nakikitang hindi na nahihirapan ang mga mahal sa buhay. “’Yung pagkain hindi mo naman napipili ‘yung gusto mong kainin dati. Hindi mo nabibili agad ‘yung gusto mo. Masaya sila every time may selebrasyon like birthday or Christmas. Naibibigay ko ‘yung gusto nila, pinaka-proud ako ay ‘yung mga pinsan ko na nag-aaral nang mabuti,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

Show comments