Sinugod ng mga hindi pabor sa gobyerno ni President Rodrigo Duterte ang Instagram ni director Joyce Bernal at hindi magaganda ang sinasabi ng netizens sa director. Dahil lang si direk Joyce ang director ng SONA ni Pres. Duterte, pati siya nadamay sa galit ng mga anti-Duterte.
Tinawag na “enabler” si direk Joyce at may sarcastic na nagtanong kung ‘yun na ‘yung binanggit niyang “different flavor” na ipapakita sa SONA.
Pati nga ang mga nagawang pelikula ng director, binanatan ng ilang netizens na ibig sabihin, napanood nila para sabihin nilang hindi maganda.
Hinanap kay direk Joyce ang footage ng Mayoyao, Baguio, at La Trinidad. Ilang milyon daw ang nagastos sa pag-iikot ng team ni direk sa Cordillera at ‘yun lang ang resulta?
Ipinagtanggol ni Alessandra de Rossi si direk Joyce at pinost ni Alex ang footage ng opening ng SONA at sabi nito, baka walang nakapanood dahil nga hinahanap. Napanood namin ang ilang parte ng footage at tama ang sabi ni Alex na ipinakita nito ang ganda ng Pilipinas.
May nagtanggol din kay direk Joyce, wala raw itong talent fee sa pagdidirek ng SONA at ang kinukuwestiyon naman ay ang nagastos sa transportation, gasoline, lodging, food at iba pa.
Kailangan yatang magpakita ng resibo ang team ni Joyce para malaman kung magkano ang kanilang nagastos sa controversial trip sa La Trinidad, Sagada, Tuba, Benguet, Cordillera at Baguio.
Pero si Robin Padilla, binati si direk Joyce sa aniya’y “pagkakalapat ng kanyang talino at sining para sa ikakaganda ng state of the nation address ng ating Pangulo ng Pilipinas “mayor” Rodrigo Roa Duterte. Perfect camera works sa Batasan Pambansa at napakaganda ng short film na kuha sa Cordillera bilang prelude sa arrival ni PRRD.”
Liza Diño at Celine Pialago ng MMDA nagkapaliwanagan
Pinost na ni Noel Ferrer ang pagkapili kina directors Laurice Guillen at Nick Lizaso bilang execom members ng Metro Manila Film Festival, kapalit ni Film Development Council Chair Liza Diño.
“Metropolitan Manila Development Authority and concurrent Metro Manila Film Festival Chairman Danilo Lim, who is the sole authority under the MMFF law to appoint members of the MMFF Executive Committee (Execom), announced the appointment of two new addition to the Execom to represent their sectors and organizations: LAURICE GUILLEN & NICK LIZASO.
“The appointment of Director Guillen in the MMFF execom will start at more fruitfuil collaboration between MMFF and Cinemalaya,” part ng statement ni MMDA Chair Danilo Lim. Si direk Laurice kasi ang President ng Cinemalaya Foundation.
Anyway, mukhang wala ng isyu kina Liza at MMDA Spokesperson Celine Pialago dahil sa interview sa kanila, more or less, nagkapaliwanagan na ang dalawa at open na magkita para pag-usapan ang kontrobersya. Maganda ang sinabi ni Liza na dahil pareho silang beauty queen, may common ground sila.