Maja, walang regret na ‘DI nakapag-aral

Maja
STAR/ File

Nagsimula lamang sa mga pangarap kung ano man ang buhay ni Maja Salvador ngayon. Noong kabataan ay talagang hirap daw sa buhay ang aktres kaya nagsumikap upang maiahon ang pamilya sa kahirapan. “Palipat-lipat ako ng bahay. Siyempre ‘yung mommy ko nagtatrabaho abroad, lipat ako nang lipat ng bahay sa mga kapatid niya para alagaan ako. Doon pa lang nagsimula akong mangarap, hindi lang para sa akin kundi para sa pamilya ko,” kuwento ni Maja.

Taong 2003 nang magsimulang mag-artista si Maja sa ABS-CBN. Simula noon ay unti-unti nang nakilala sa industriya ang aktres kaya naman natupad din ang mga pinangarap lamang dati.

“Ang magkaroon kami ng sariling buhay, nakikitira kami. Noong umuwi na ang mama ko dito sa Pilipinas, nag-decide siya na kunin na ako sa mga kapatid niya at sa Manila na kami. Noong nasa Manila naman kami, nakitira naman kami sa mga pinsan niya. Walang permanent, wala kaming sariling bahay,” dagdag pa ng dalaga.

Isinakripisyo ni Maja ang pag-aaral ng kolehiyo upang makatulong sa pamilya. Masaya ang aktres dahil nakatulong sa mga nakababatang kapatid na makapagtapos sa pag-aaral.

“Kasi kahit gaano ko gusto mag-aral, tinanggap ko na lang na hindi, dito muna ako (sa show business). Para kang naging nanay nang maaga. Ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos sa pag-aaral ‘yung kapatid mo. May kanya-kanya na silang trabaho. Hindi man ako makapagtapos ng pag-aaral pero nai-share ko ang lahat ng pagod at paghihirap ko. Nagbunga ng maganda sa mga kapatid ko,” makahulugang pahayag ng aktres.

Vice, natutong magtipid

Ngayong limitado pa rin ang mga trabaho dahil sa banta ng COVID-19 pandemic ay naranasan ni Vice Ganda ang pagtitipid. Napatigil din ang pagpunta ng komedyante kung saan-saan kapag walang trabaho dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa. “Walang shopping, walang online shopping. Kung may isa-shop man ‘yung essentials. Wala ring rampa, ang ginagawa ko ini-enjoy ko ‘yung bahay ko. Ini-enjoy ko ‘yung kasama ko sa bahay. Dapat i-enjoy mo kung ano ‘yung meron ka na ngayon. Ang mahalaga ay safe kami,” paliwanag ni Vice.

Maging ang mga damit na isinusuot ay madalas na raw na mag-ulit ang It’s Showtime host.

“Magmula nang bumalik ang Showtime wala akong sinuot na bago. Dati kung magjulit (ulit) ako ng damit ang tagal, taon. Ang dami ko talagang damit, isa siya sa kasiyahan ko. ‘Pag nai-stress ako may nabibigay siya sa aking therapy ‘pag nagsa-shop ako, ngayon wala. Walang shopping-shopping. Buti na nga lang ‘yung make-up ko may supply ako ng Vice Cosmetics, hindi na rin ako bibili,” pagbabahagi ng Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar.(Reports from JCC)

Show comments