Eric nami-miss pa rin ang kanyang daddy, national artist award naging mailap kay Dolphy
Ang cool ng tribute ng Google sa nasirang Hari ng Komedya na si Dophy. Kahapon nga ang 92nd birthday sana ni Mang Dolphy.
July 10, 2012 nang pumanaw ang Hari ng Komedya dahil sa chronic obstructive pulmonary disease (COPD). “Google honors Dolphy with a doodle on his birthday. Thank you Google for continuing my Dad’s legacy. #GoogleDoodleForDolphy,” ang pasasalamat ni Eric Quizon sa Google na ginagawang library ngayon ng karamihan.
Anyway, aminado si Eric na after eight years ay nami-miss pa rin nila ang ama. “July 10, 2012 - It has been 8 years since he joined our creator, but there is not a single day that he never crossed my mind. Today, July 10, 2020 marks a sad day for our kapamilya. #missingdad #kapamilyaforever,” ang post ng actor / director last birthday ng kanyang daddy.
Sayang nga lang at hindi na rin magagamit sa kasalukuyan ang Dolphy Theater sa ABS-CBN Building na madalas dating venue ng mga presscon / media launching ng network.
Sayang din at namatay na lang si Mang Dolphy na hindi siya napasama sa listahan ng mga National Artist ng bansa sa kabila ng kanyang tambak na contribution sa TV and movie industry bukod pa sa mga naitulong niya sa mga kapwa artista.
Kabi-kabila noon ang petisyon na ideklarang national artist si Mang Dolphy pero hanggang namatay siya ay hindi ito naigawad sa kanya. Pero tumanggap naman ang Hari ng Komedya ng Grand Collar of the Golden Heart noong nakalipas na administrasyon.
- Latest