^

PSN Showbiz

Aktor na nag-iilusyon, nganga nang kalasan ng GF

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal na palang ilusyon ng isang male personality na gustong ipako sa krus ngayon ng mas nakararami ang sumikat siya. Lahat ng paraan ay ginagawa niya para matupad ang kanyang pangarap.

Natupad naman ‘yun, pero sa negatibong paraan, pinag-uusapan siya ngayon dahil sa mga ginagawa niyang pambabastos sa mga personalidad na hindi naman siya inaano.

Kuwento ng isang source na matagal na nakatrabaho ng male personality, “Nangangabog na talaga siya kahit nu’n pa! Ilusyon niya kasing sumikat siya! Maraming naiinis sa kanya dahil sa ugali niyang magpa-star!

“Matindi ang tingin niya sa sarili niya, kapag rumarampa siya, ang unang-unang gusto niyang mangyari, e, siya ang finale! Siya ang pinakahu­ling rarampa!

“Di ba naman kahit nu’n pa, e, ilusyunada na ang lalaking ‘yun?” madiing sabi ng aming impormante.

Nang makarelasyon niya naman ang female personality na may putong na korona sa ulo ay pansin na pansin din ang kanyang pailalim na pag-epal.

Patuloy ng aming impormante, “Kapag may interview ang girl, e, umeeksena siya! Kunwari pa, e, ayaw niyang humarap sa mga camera, pero huwag ka!

“’Yun talaga ang gustung-gusto niya, ang magkaroon siya ng sariling moment! Nakikipag-agawan siya sa attention! E, bawal ‘yun, hindi siya dapat umeeksena!

“Kung hindi siya napipigilan ng mga nakapaligid sa kanya, e, baka nga magpa-presscon pa siya para lang sumikat siya! Ilusyunado na ang mokong na ito kahit nu’n pa!

“Trophy girl niya ang ex niya, claim to fame niya na magkarelasyon sila, kaya hindi niya matanggap-tanggap ngayon na tapos na sila! Hindi siya makapag-move-on, dahil kung kailan naman siya sisikat dapat bilang BF, e, saka naman siya hiniwalayan!

“Nabundat sa ilusyon ang male personality na ‘yun, nabuhay siya sa ilusyon, kaya nganga siya ngayon!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Matteo may parinig

Ang tunay na lalaki ay may karamutan sa pagsasalita. Hindi siya basta-basta nagpapakawala ng kanyang saloobin. Pero kapag ginawa niya ‘yun ay kumakagat.

Sabi ni Matteo Guidicelli, “Manahimik ka na lang kung wala kang sasabihing maganda,” at may kasunod pa ‘yun.

“Speak only when you feel that your words are better than your silence.”

Nakabibingi nga naman ang katahimikan.

Natural, nag-isip agad ang buong bayan kung sino ang pinariringgan ng mister ni Sarah Geronimo, ang pinakaunang personalidad na pumasok sa kanilang isip ay si Angel Locsin.

Pero may mga nagduda rin na ang pinatatamaan ni Matteo sa kanyang mga posts ay ang bashers na upak nang upak sa kanyang misis.

Totoong totoo naman ang sinabi ng aktor. Batas ng dila ang kanyang tinukoy na kapag wala kang magandang sasabihin ay mas magandang itikom mo na lang ang iyong bibig.

Matalas nga kasi ang dila, mas matalim pa sa bagong hasang tabak ang mga salitang nanunugat ng kalooban ng ibang tao, minsang pakawalan ay hindi na mababawi pa.

Kung sinuman ang guilty ay siguradong umaray sa post ni Matteo, alam ng taong ‘yun kung ano ang kanyang ginawa, alam ng sinumang ‘yun kung gaano katindi ang mga patutsadang pinalipad nito sa hangin.

Kahirapan sa probinsiya matindi pa sa virus

Sa unang pagkakataon pagkatapos ng apat na buwan ay nakauwi rin kami sa aming nayon. Nayakap uli namin ang aming mga apo, naamoy uli namin ang hanging probinsiya, kumpleto na uli ang aming pamilya.

Malaking bagay na nakakausap namin ang aming anak at ang kanyang mga supling sa pamamagitan ng video call. Pero iba pa rin ang personal na pagkikita, mas may puso, napakasarap sa pakiramdam.

Nang dumating kami sa Visoria ay sumalubong agad ang tatlo naming apo na naka-face mask. Sa mga mura nilang edad ay alam na nila ang protocol.

Hindi sila lumalabas ng bahay nang walang takip ang kanilang bibig, may kamalayan na rin sila sa social distancing, para ano pa nga naman na naging mga anak sila ng kanilang mga magulang na doktor?

Napakalaki ng ipinagbago ng bahay namin sa gitna ng bukid, dahil sa pandemya ay mas natutukan ng manugang naming si Geli ang hilig nito sa pagtatanim ng mga halaman, napakaluntian ng kapaligiran.

Maayos naman ang sitwasyon ng aming mga kanayon, walang nagpopositibo sa COVID-19, pero laganap ang kahirapan dahil sa mga nawalan ng trabaho sa siyudad na umuwi na lang sa baryo ngayon para magtrabaho sa bukid.

Kawitang-palakol (read: taghirap) ngayon kahit saan, napakatindi talaga ng ginawa ng salot sa buhay nating mga Pinoy, pero hindi tayo susuko at lalaban pa rin nang sabayan hanggang sa matagpusan natin ang paghamong ito.

MATTEO GUIDECELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with